Mapapagod
"This is the final call for flight TM121. Please make your way to Gate 20."
"Oh, Ellie baka yung eroplano niyo na yun, tinatawag na ata kayo!" nagpapanic na sabi ni Uncle nang makarinig ng isang announcement mula sa speaker ng airport.
I sighed. "Hindi pa yun, Uncle. Maya-maya pa ang departure time namin,"
Sa sinabi ko ay tumango-tango naman siya.
"Sigurado ka bang wala ka nang naiwan? Ba't kasi tinanghali ka ng gising? Parang namumugto pa yang mata mo. Kinulang ka ba sa tulong? Alam mong may importanteng lakad ka ngayon dapat maaga kang nagpahinga," dire-diretsong litanya niya.
Umiwas ako ng tingin. I can only just internally sigh at that again.
Narinig ko ang pag-singit ni Lola sa usapan. "Hayaan mo na nga si Ellie, Alfredo. Kita mo nang mahabang oras ang byahe nyan ngayon tapos ay sesermonan mo pa. Wag mo nang i-stress ang bata,"
"Hindi na 'yan bata, 'La." singit ni Nash.
Sumiksik si Sienna sa tabi ko. "Ellie yun yung makakasama mo?" sabay nguso niya sa banda ni Spencer sa kabilang bahagi.
Nakita kong hinatid lang siya ng sasakyan nila kanina at ngayo'y wala na siyang kasama. Tahimik lang itong nakatutok sa phone habang may nakasalpak sa tainga niya. He also has a navy blue neck pillow on him.
"Oo,"
Nanlaki ang mata niya. "Ang gwapo! Saka mukang mayaman," she turned to me.
"May Zaid ka naman na diba? Akin na lang 'to!" aniya na akala mo talaga ay papatulan siya ni Spencer.
"Gaga, ayaw niyan sa madaldal." saad ko. "Pati sa makulit,"
She raised her brows in disbelief. "Aba wag siyang magsalita ng tapos," pinag-krus niya pa ang braso sa tapat ng dibdib.
Pinaulanan pa 'ko ng maraming paalala nila Uncle at Lola. Nang dumating ang takdang oras ay tuluyan na kong nagpaalam sa kanila dahil hindi na sila pwede pang pumasok at lumagpas sa didiretsuhan namin.
Habang niyayakap ko sila ay ramdam ko na naman ang pamilyar na pagsikip ng dibdib. Hindi lang marahil dahil sa kaisipan na mawawalay ako sa pamilya ko ngunit dahil sa iba pang bagay na naiisip.
Kumaway pa ko ng isang beses bago lumayo. I met Spencer halfway.
He stared at me momentarily until his gaze dropped to the luggage I am holding. I was quite taken aback when he reached for it. "I'll take this,"
I responded in an abrupt. "Spencer, wag na."
He returned his eyes on me. "It's fine, Ellie. Just let me. We'll eventually leave the baggages in the counter anyway,"
Yun na nga eh, kaya ayos lang na ako na.
I sighed. Here we go again with Spencer's undying chivalry that I'm sure any other girls would love but not really me.
I keep on forgetting that there's only one guy who understands and respects how much I value my independence.
I surrendered my suitcase to him in defeat. Tanging backpack na lang tuloy ang nasa akin habang ang parehong kamay niya ay may hinihila. We then walked side by side towards the check-in counter.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...