Kabanata 34

46.6K 2.6K 1.2K
                                    

Palagi





"Hoy Ellie Madeline, aalis ka na naman? Isang linggo kang nawala dahil sa trabaho tapos kakauwi mo lang kagabi ay maglalakwatsa ka na naman ang aga-aga! Dun ka na lang kaya tumira sa pinupuntahan mo tutal mas madalas ka pa ron kesa rito sa bahay? Ginagawa mong dormitoryo tong bahay na tinutulugan mo lang talaga eh no? Hala, sige kunin mo na ang mga damit mo at pumunta ka sa kung saang lupalop mo gustong pumunta!"


"Good morning din, Uncle," nanunuyang bati ko pagkababa sa hagdan.


Dumiretso ako sa kusina kung nasaan si Lola na mukhang narinig din ang pa-almusal na sermon sakin ni Uncle.


Nakita kong binalingan ni Lola ang nakasunod na si Uncle sa akin. "Magtigil ka Alfredo ha! Yang bunganga mo ang aga-aga!"


"Eh kasi naman, Nay halos hindi na pumipirmi dito sa bahay yang apo niyo!"


Bumaling ako sa kanila habang hinahalo ang tinitimplang kape. "Uncle, pagbigyan niyo na ko," bumaling ako kay Lola. "La, diba hinahanapan niyo na ko ng boyfriend? Oh eto na, may nililigawan na ko! Pag naging kami na, wag kayong mag-alala, hindi na ko laging aalis."


Pinagdaop ni Lola ang mga palad niya saka ngumiti. "Tama 'yan, apo. Mabuti naman kung ganun!"


Si Uncle naman ay nanlaki ang mata. "Bakit ikaw ang nanliligaw?"


I shrugged.


"Ganun talaga." I stated like it was the most normal thing to do.


Hindi pa man ganun kakumbinsido ay nakatakas naman na ako sa bahay. Nang makasampa sa sasakyan ay chineck ko ulit ang cellphone ko.


Linggo na ngayon at isang linggo akong nawala sa Pilipinas dahil sa flight namin sa Italy. Kagabi lang kami nakabalik at napag-alaman ko kay Spencer na kapag Sundays pala ay may ibang pinupuntahan si Zaid.


Pumupunta siya sa branch ng Bright Bite sa Taguig dahil may cooking workshop sila roon tuwing linggo. Bukas iyon para sa lahat ng gustong matutuong magluto ng iba't ibang cuisines. Nakita ko na dati sa facebook page nila ang tungkol doon pero kagabi ko lang nalaman na si Zaid pala mismo ang nagli-lead sa workshop.


Binuksan ko ang phone para masiguro ang address ng pupuntahan bago pinasibad ang sasakyan.


I was humming while on my way. My lips automatically break into a smile just by the thought of seeing Zaid. A week without him isn't as bright as when I'm with him.


My face became pleasant as I amusingly scanned the place from outside. This one looks bigger and more spacious than their main branch.


Pinarada ko na nang maayos ang sasakyan para makapasok sa loob. As expected, the faces are quite unfamiliar. Hindi kagaya sa QC na halos kilala ko na ang mga empleyado.


Magiliw akong sinalubong ng isang staff. Ngumiti rin naman ako.


"Hi! San yung registration for the workshop?"


Lumiwanag ang mukha niya. "First time po?"


I nodded.


"As regular student po ba?"


I bit my lip. "Uh.. hindi, baka tuwing may free time lang ako umattend."


Tumango ito. "I'll lead you the way, Ma'am."


Ganun nga ang ginawa niya. Mabilis lang ang proseso ng pag-enroll. Agad din akong pinatuloy sa silid kung saan gaganapin ang training proper. Based from my estimation, there were around 20 rectangular tables with cooking materials on it. Sa pinakaharap naman ay may mas malaking table na may mga kasangkapan din.


Every Flight CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon