Hair
Zaiden Pierce:
Parking lot after class
Pati sa text ay may nakangising emoji pa talaga siya. Napailing-iling na lang ako habang nakatitig doon.
Hindi ko maiwasang mapalingon sa kinauupuan niya. Nagulat pa ko nang maabutan siyang nakatingin na rin sakin. He even raised his phone slightly at me. Plus there was a small smile on his face.
Umiwas na ko ng tingin at tinuon iyon sa harapan.
"That's all for today. See you next meeting," paalam ng prof.
Hinagilap niya lang lahat ng gamit bago lumabas na rin ng silid.
"Ellie, bibili ka?"
Napalingon ako kay Yael na nag-aaya.
Tumango ako. "Tara,"
Tumayo na kaming dalawa para lumabas at makabili ng makakain para sa break.
Laking pasasalamat ko at mukhang tapos na sa pang-aalaska sa akin si Yael. Mula pa lang kasi kanina pagpasok niya ay panay na ang pang-aasar niya tungkol sa ginawa ko kahapon. Buti na lang ay nagsawa na rin naman na ata siya.
Yun nga lang ay hindi naman nakatakas sakin ang kakaibang tingin na iginagawad sa akin ng mga nakakasalubong namin. Napapatitig sila nang matagal sakin na parang inaalala ang mukha ko. As recognition flashes on their eyes, a meaningful expression immediately registers on their face.
Yael keeps on chuckling beside me.
"Tumigil ka nga,"
Napahalakpak pa siya. "Ginusto mo yan..."
"Anong ginusto ka jan?! Sinong gugustuhing pagtinginan at pagbulungan?"
"Ikaw," he shrugged. "Nung nag-decide ka na magsalita ng ganun sa harap ng maraming tao, dapat ni-ready mo na yung sarili mo sa ganyan,"
Napabuntong-hininga ako dahil may point siya. Ang totoo niya'y hinanda ko na rin naman talaga ang sarili ko sa ganito. Inasahan ko na rin namang mangyayari ito.
Kaya hanggang makarating sa cafeteria ay pinagsa-walang bahala ko na lang ang atensyon na natatanggap. Masasanay rin siguro ako.
Mabuti na lang sa klase namin ay hindi naman ganun kalala ang mga reaksyon ng mga kaklase ko. Paano ba naman kasi'y alam kong may ideya na sila dati pa lang. Dun pa lang sa pag-aabot ko ng tsokolate kay Spencer noon ay halata na.
Mabilis na lumipas ang maghapon hanggang sa mag-uwian na. Humiwalay na ko ng daan kay Yael dahil patungo na ang daan niya sa gate para makalabas. Sinabi ko na lang na may kailangan pa kong asikasuhin.
Tanaw ko na ang parking lot mula sa nilalakaran ko at bigla akong napatago sa gilid nang makitang magkausap pa si Spencer at Zaid sa banda roon. Tila nagpaalam na sila sa isa't isa nang walang anu-ano'y sumakay na si Spencer na sasakyan niya. Pinanood kong makaalis ito bago napaayos ng tayo.
Napahingang malalim pa ko bago muling magsimulang maglakad. Nakatuon ang mata ni Zaid sa cellphone niya. Naramdaman ko pang nag-vibrate ang telepono ko sa bulsa ngunit hindi ko na tinignan dahil malakas ang pakiramdam ko na mula sa kanya iyon.
Sakto namang umangat din ang tingin niya nang makalapit na ako. His brows immediately raised in amusement while his lips curved into a small smile.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...