Kabanata 7

42.5K 1.9K 102
                                    

Free




"Huy, nakikinig ka ba?"




Napabaling ako kay Macy na katabi kong nakahilata sa kama ng kwarto ko ngayon. Dito kami mas madalas tumambay kaysa sa kanila. Kumpara kasi sa Catalan Compound ay mas malaki ang mga kama namin dito sa Demarces.




"Kanina ka pa tulala," kumento niya.




Umiling-iling ako. "May iniisip lang..."




Hindi ko kasi maiwasang maalala ang nangyari sa classroom kanina.




Bumuka ang bibig ni Macy at akmang may sasabihin nang biglang lumukot ang mukha niya habang nakatingin sa hawak ko.




"Mali naman yang ginagawa mo eh!" sabi niya sabay agaw sa beauty mask na hawak ko.




Napabuntong-hininga ako.




"Sabi ko naman kasi sayo hindi ako marunong niyang skin care - skin care na yan eh,"




Binuklat niya iyon nang maayos bago bumangon paupo sa kama at siya na mismong naglagay sa mukha ko.




"Alam mo, hindi ako makapaniwala nung sinabi mong wala kang skin care routine! Ang kinis kasi ng balat mo. Sana all natural beauty!"




"Ewan ko sayo. Kahit anong pambobola mo wala kang mahihita sakin. Wala nga sabi akong number ni Jaron," biro ko sabay halakhak.




Pinanlakihan niya ko ng mata. "Gaga, hindi kita binobola."




Nang maidikit na niya ang mask sa mukha ko ay bumalik na siya sa pagkakahiga. "Anong oras ba kasi siya darating?" buntong-hininga niya.




Napairap ako. "Sabi ko naman kasi sayo late na yun nauwi paggantong araw. Next time na lang. Bawal ako mapuyat ngayon at may aattendan pa ko bukas,"




She turned her face to me. "Anong meron?"




I smiled. "Future Pilot Forum,"




Napanganga siya. "Yung kinukwento mo?! Akala ko ba si Spencer daw?"




I shrugged. "Nakipag-coordinate si Sir Gallego sa All Asia tas ayun, pumayag daw na dalawang representative ipadala ng PCAST."




Sa sinabi ko ay parang mas naging excited pa si Macy para sakin. Hindi na siya nagpumilit na hintayin si Jaron at kalauna'y umalis na para makapagpahinga raw ako nang maaga.




Kinabukasan tuloy ay maganda ang gising ko dahil sa kumpletong oras ng tulog. Pagkaligo ay maaga akong bumaba para mag-almusal. Naabutan ko roon si Ate Eunice pati na sina Axl at Kuya Lukas na mga kapwa ko tenants dito sa boarding house. Pito kaming lahat dito. Tatlo ang lalaki habang apat naman kaming mga babae.




"Good morning, Ellie." bati ni Ate Eunice.




Binati ko rin silang lahat bago sumabay sa pagkain. Sina Ate Eunice at Axl ay parehong nag-aaral sa isang state university malapit dito habang si Kuya Lukas naman ay sa PCAST din tulad ko.




"Si Nanay Beth kumain na?" tanong ko sa kanila.




Umiling si Axl. "Inaya ko nga pero tumanggi eh. Pumunta na agad siya sa labas pagkatapos magluto para bantayan yung karinderya niya."




"Ganun talaga yun si Nanay. Hayaan niyo't mamaya ay pipilitin kong kumain na muna." sabi ni Kuya Lukas na tatlong taon nang nangungupahan dito.




Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos namin ay nag-volunteer na akong maghugas pero sabi ni Ate Eunice ay siya na raw dahil hapon pa naman ang pasok niya. Ang totoo niya'y lagi namang sinasabi ni Nanay Beth na iwan na lang namin ang mga pinagkainan sa lababo at siya na ang bahala ngunit nagkukusa na kami para kahit papaano ay makatulong naman.




Umakyat na ko para magbihis. Inayos ko ang buhok at hinanda ang gamit. Nang matapos ay agad na rin akong bumaba para umalis. Naabutan ko pa si Jaron sa may sala na nanunuod ng TV habang kumakain. Agad niya akong binati.




"Anong oras ka nakauwi kahapon?" tanong ko.




Saglit na nag-isip siya bago sumagot. "Almost 12 na ata. Bakit?"




I smiled meaningfully before I shook my head. "Wala,"




He eyed me suspiciously hanggang sa nagpaalam na ko at dire-diretsong umalis.




Ang instruction sa amin ni Mr. Gallego ay pumasok muna sa klase at pupuntahan na lang daw kami para i-excuse kapag oras na para umalis.




Pagdating ko sa classroom ay hindi na ko nagulat nang makita agad si Spencer sa upuan niya dahil lagi naman siyang maagang pumapasok.




Ilang saglit lang pagka-upo ko ay dumating na rin si Yael.




"Oh akala ko ngayon yung seminar niyo?" tanong niya agad bago pa man mailapag ang bag.




"Mamaya pa,"




Tumango-tango siya bago naglabas ng gamit para gumawa ng assignment. Ganun ang madalas niyang gawain tuwing bagong dating. Ang mag-cram ng gawaing ipapasa sa mismong kaparehong araw.




Nang sumapit ang alas-syete ay may substitute lang na pumunta para sa first subject namin.




"Pinapasabi lang ni Mr. Gonzalo na gamitin niyo raw yung time niyo ngayon para mag-meeting per group tungkol dun sa activity niyo next week,"




Kinuha lang din niya ang attendance bago kami iwan para hayaang magplano.




Agad na nagtayuan ang lahat para lumapit sa kanya-kanyang pangkat. Ang grupo namin ay sa may bandang likod malapit sa pinto na bumuo ng bilog kaya malapit lang ang hinilahan ko ng upuan ko.




Malayo pa man ay tanaw ko na agad ang papalapit na si Zaiden. Sa kasamaang palad ay kagrupo ko siya rito. Wala pa man siyang ginagawa ay naiirita na ako.




Dire-diretso lang ang lakad niya hanggang makaupo sa may bandang harap ko. Bahagyang tumaas ang kilay ko nang hindi makarinig ng anumang panunuya sa kanya ngayon.




Nagsimulang magsalita ang leader namin at naglabas ako ng papel para magsulat dahil ako ang secretary ng grupo. Hindi ko maiwasang matuwa dahil karamihan sa mga miyembro namin ay talagang responsable.




"Ellie daw tsaka Spencer!"




Napalingon ako nang marinig ang pangalan. Nakita ko ang isang kaklase ko sa may front door na tila may kausap. Mukhang tinatawag kami.




Tumayo ako para lumapit at nakita kong ganun din ang ginawa ni Spencer.




"Kayo po yun?" tanong ng nilapitan namin na naka-uniform na pang student assistant.




I nodded for the both of us.




"Pinapasabi ni Sir Gallego na aalis na raw kayo. Ready na raw po yung school van at yung maghahatid sa inyo sa parking. Baba na lang daw kayo," aniya saka ngumiti nang tipid.




Tumango ako at nagpasalamat. Tumalikod na rin naman ito para umalis. Wala na ring nagsalita samin ni Spencer nang bumalik sa mga upuan namin.




"Alis na kayo, Ellie?" tanong ng leader namin.




"Oo. Sorry, Kel ah. Send ko na lang sa GC yung mga nasulat ko."




Tumango ito at sinabing wala raw problema. Sinilid ko muna sa bag ko ang mga nakalabas na gamit bago napagdesisyunang mag-CR muna dahil hindi ako sigurado kung gaano kahaba ang biyahe.




Pumihit ako para lumabas na sana nang mamataan ko si Spencer na nag-aabang habang sukbit ang bag.




Napahinto ako.




Umangat ang tingin niya sakin.




"Let's go?"




Napalunok ako.




"Mauna ka na bumaba. Magsi-CR pa ko,"




He stared at me for a while.




He then nodded a little before taking his steps.




Agad na rin akong nagtungo sa restroom. Binilisan ko lang para makabalik din agad sa classroom.




Pagbalik ko sa room ay hindi na nakapabilog ang mga upuan dahil mukhang tapos na rin naman ang meeting. Dire-diretso ang lakad ko patungo sa pwesto.




Malayo pa lang ay medyo kumunot na ang noo ko.




"Yung bag ko?"




Nilingon ako ni Yael na nasa tamang upuan niya na rin ngayon.




"Akala ko dala mo na?"




Umiling-iling ako. "Hindi eh. Nag-CR lang muna 'ko."




Nilapitan ko ang leader namin.




"Kel, napansin niyo yung bag ko?"




"Huh? Hala hindi, Ellie. Nawawala?"




My heart started to beat with an unusual speed but I tried to remain calm. Imposibleng mawala yun. Nandito lang yun sa room.




Lumipad ang tingin ko kay Zaid. Nakakunot ang noo nito habang nakatuon ang mata sa cellphone. Nagmartsa ako palapit sa kanya.




"Hoy, Esquivel."




He lifted his gaze but quickly brought it down to the screen of his phone.




"Bag ko?"




He was so serious and focused on his phone that he didn't even bother to throw me another glance anymore.




"Malay ko."




Natigilan ako. First time ko siyang marinig magsalita nang walang bakas ng panunuya sa tono. Tinitigan ko pa siya nang ilang saglit ngunit nanatili lang siyang seryoso sa ginagawa.




"Ellie, aalis na raw yung service pakibilisan." napalingon ako sa harap nang sumigaw ang kaklase kong kausap ang parehong student assistant kanina. Mukhang pinabalik na rito para muling akong sunduin. Napalunok ako at agad na bumalik sa may pwesto ko.




Panic is slowly consuming my being.




Ngayong wala nang ibang mapagtanungan kung saan maaaring napunta iyon ay hindi ko na maiwasang mag-isip nang malala.




Ang puwesto ng upuan ko ay katabi ng bukas na bukas na pinto sa likod. Alam kong may mga CCTV cameras sa corridors pero kung iche-check ko pa iyon ay aabutin ako nang siyam-siyam. Nandun lahat ng gamit ko pati na ang ID at QR code na kailangan para sa event.




Ang kaisipan na hindi ako makakapunta sa forum dahil sa nawawalang bag ay nagpahapdi sa mata ko.




"Wala talaga?" concerned na tanong ni Yael.




Ni hindi na ko makapagsalita at tanging iling na lang ang naging tugon.




"Try ko pumunta sa office para i-check ang footages," sabi niya at dumiretso na palabas.




Sa tulong na natatanggap ay parang mas bumigat lang ang pakiramdam ko. I felt something inside me slowly getting twisted.




Sabayan pa ng muling pagbalik ng student assistant para sabihing maiiwan na raw ako pag hindi pa agad bumaba.




Nanghihinang napaupo ako sa upuan sa likod. Tulalang napatitig ako sa sahig habang lumalabo ang mata sa nagbabadyang luha.




"Oh,"




Napigil ko ang hininga nang biglang lumitaw ang bag ko sa harap ko. Umangat ang tingin ko at nakita si Zaid na inaabot ito sa akin.




"Paiyak ka na eh," dagdag niya pa habang hindi nakatingin sakin.




Tiim-bagang na tumayo ako at marahas na binawi iyon sa kanya.




Tinitigan ko siya nang matalim.




"Hindi nakakatuwa gago." galit na sambit ko bago siya nilagpasan.




Parang bata. Tangina. Nakakainis.




Nakakuyom ang mga kamao ko habang pigil na pigil ang pag-iyak. Mabilis ang mga hakbang ko. Tinakbo ko na ang pagbaba.




Nakasalubong ko pa ang pabalik na si Yael at nagpasalamat na lang ako nang hindi makatingin nang diretso sa kanya. Nahihiya akong ipakita na naiiyak ako dahil lang pinagtaguan ng bag. Nakakabwisit.




Hanggang makarating sa grounds ay mabigat pa rin ang loob ko. Mabilis ang mga hakbang ko papalapit sa designated school van.




Sa kabila ng nanlalabong paningin ay nakita ko si Spencer na naghihintay sa labas ng sasakyan.




Natigilan siya nang makita akong papalapit.




I saw how worry gradually registered on his face as he studied my expression.




Parang may pumilipit na kung ano sa sikmura ko.




Tumigil ako sa harap niya. Walang nagsasalita sa amin. Gusto kong itago ang mukha ko pero para saan pa. Mariin ang pagtitig niya sa akin.




He sighed heavily.




"What... happened?"




The way his voice sounded so... gentle and caring is unbelievable. Para akong hinehele ng boses niya.




I slightly bowed my head.




My eyes automatically shut close as a tear I've been trying to hold back fell free.



























Every Flight CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon