Devour
"Alam mo hindi ko alam kung san mismo pupunta. San ba nakakabili ng mga ganun?"
Tanong ko nang huminto na ang sasakyan at nagkakalas na kami ng seatbelt.
"Hindi ko rin alam," he blandly said.
Napalingon ako sa kanya. His face remained void of any emotion. I'm so not used of seeing him like this. Zaid without his teasing grins and smirks is like not Zaid at all.
Bumaba na siya nang walang sinasabi. Agad akong sumunod na rin.
"Uy, ano bang problema?" concerned na tanong ko.
Napatigil siya sa paghakbang. His back is facing me. Inabot ko ang braso niya para maipa-baling siya sakin. Lumapit na rin ako para matignan siya nang maayos.
But his gaze was avoiding me. It would look anywhere but me. Even if I'm right on his face already.
"May pinagdadaanan ka ba? Kung kailangan mo ng mapagsasabihan handa naman akong makinig.." malumanay na sabi ko.
I know the worry I am feeling for him right now is genuine. I don't like seeing people this way. He looks so downhearted. Kanina pa. And no matter what's the reason behind his mood, I certainly feel bad for him.
Ang mata niyang kanina pa umiiwas sa akin ay ngayo'y tumama na rin sa tingin ko. May paghihirap sa mga mata niya.
Ilang minuto pa itong nanatiling nakatitig sa akin bago unti-unting pumungay. He even heaved a sigh. He have been sighing all day today that it seems like he's carrying the world on his back.
"Wala..." the word lightly flew from his mouth like a feather. "I'm... sorry for.. bothering you with my temper.." his eyes blinked tenderly while staring at my face.
Parang may naramdaman akong kung ano dahil sa tingin na ibinibigay niya sakin. He suddenly looks guilty.
I put aside the weird feeling and forced a smile.
"Gusto mo mag-ice cream tayo? Ako noon tuwing malungkot, kumakain lang ako nun tapos kahit papano gumagaan na yung pakiramdam ko,"
He remained staring at me. To my relief, he doesn't look as low-spirited as before.
"Ano? Mamaya pagkatapos, bili tayo! Kahit libre pa kita! Tara na,"
Inaya ko siya saka hinila na ang braso niya. His gaze instantly dropped to my hand. Matagal niyang tinitigan iyon kaya't binitawan ko na.
"Tara,"
Inuna naming puntahan ang bilihan ng mga kolorete sa mukha. Halos mahilo ako sa dami ng mga naroon. Parang pare-pareho lang sa paningin ko ang mga naka-display at hindi alam ang mga pinagkaiba noon. Ni hindi ko nga alam kung para saan o paano ginagamit ang iba.
Hindi rin nakatulong na lalaki ang kasama kong mamili. Sana pala ay si Macy ang sinama ko sa ganito!
"Hi, Ma'am! Try po natin sa inyo?"
Napalingon ako sa sales lady na nasa gilid namin. Nakangiti ito habang nakatingin sa hawak ko.
"A-ay wag na po baka mahal," nagpapanic na sagot ko.
Umangat ang tingin niya sakin at napamaang pa siya bago unti-unting sumilay ang ngiti sa labi.
"Libre naman po yung pagta-try on ng testers, Ma'am. Para makapag-look test na rin po kayo!" magiliw na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...