Kabanata 22

39K 2K 1.8K
                                    

Dry run





Tuwing bakasyon talaga ay parang lumilipad ang oras. Mabilis na lumipas ang isang linggong walang pasok at tila hindi ko man lang iyon namalayan.


Lunes na naman ngayon at unang araw na rin ng pagbabalik eskwela matapos ang sembreak.


Kakaupo ko pa lang sa upuan ko nang mapanganga ako sa nakitang bagong pumasok sa pinto.


Agad na nahanap ng mata niya ang tingin ko atsaka mabilis na sumilay ang ngisi sa labi niya. He looks so... fresh.


Hindi ko alam kung ba't ganun ang tingin ko sa kanya ngayon, gayong wala namang nabago sa itsura. What's with today that he suddenly looks like some sort of a star candy to my eyes?!


"Ba't ang aga mo?" halos pasigaw na tanong ko habang naglalakad pa lang siya.


Buti na lang ay kokonti pa lang naman ang tao sa classroom at sanay naman ang mga kaklase ko sa kaingayan ko.


Gulat at medyo nanlalaki pa nga ang mata ko. Pano ba naman kasi ay hindi naman ito pumapasok nang maaga. Lagi siyang late o di kaya'y save by the bell lang. Pero ngayo'y sa sobrang aga niya'y miski si Yael ay naunahan niya pa.



Hindi niya agad sinagot ang tanong ko ngunit hindi pa rin nabubura ang kurba sa labi niya. Dumiretso muna siya sa upuan niya para ilapag ang bag at tinapik si Spencer na tahimik lang sa upuan niya.


Zaid didn't waste any time and walked on his feet towards me. My heart unconsciously beat in excitement as he gets near me.


Umupo siya sa bakanteng upuan ni Yael. His manly scent immediately enveloped in my nostrils. For a second, I felt like I was floating.


"Wala lang," he smoothly said, answering my questiong a while ago. "Baka lang kasi miss na miss mo na 'ko,"


Napanganga ko sa sinabi niya. Mas lalo lang lumawak ang ngisi niya.


Nang makabawi ay sinara ko ang bibig ko. I even pulled my chin up and sported a boastful look.


"Baka ikaw!" I countered.


He chuckled but didn't say anything to deny what I said.


Ilang minuto pa siyang nangulit bago dumating si Yael at kalauna'y dumating na rin ang Prof. It was the usual discussion and activities. May iba pang guro na hindi muna nagbigay ng mabigat na gawain dahil nasa bakasyon pa raw ang utak namin pare-pareho.


Hanggang sa dumating ang ika-apat na period namin at pumasok si Ma'am Furgoso sa pinto. Sa first half ng time ay nagturo lang din siya.


"Now class, I'll be announcing about your project for this subject that will make up the 30% of your grades," full of enthusiasm na sabi niya.


"Taena naman nito ni Ma'am pa-major na naman eh," bulong ni Yael.


"Don't worry this will be a very exciting one!" despite her high-pitched voice, no one in the class reacted merrily.


Nagulat kami nang may mga nilabas si Ma'am galing sa bag niya. Hindi talaga nauubusan ng props 'tong si Ma'am.


"What can you see?"


Cute little figurine dogs were placed on the table. Halatang babasagin ang mga furniture na iyon.


The people in the class chorused in answering. Mrs. Furgoso nodded her head with a smile on her face.


Every Flight CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon