Kabanata 14

37.6K 1.8K 674
                                    

Gusto mo





"Akala ko ba dada-moves ka na kay pareng Spencer?" taas-kilay na tanong sakin ni Yael habang nagliligpit na kami ng gamit.


Kakatapos lang ng huling klase namin ngayong araw at naghahanda na kami para umalis.


"Ba't parang wala ka pa ring ginagawang hakbang?" kyuryosong dagdag niya.


"Yael, Yael, Yael." I arrogantly shook my head in a dramatic way.


"Not doing a step is actually a step." pa-intelehenteng sabi ko.


"Aba," mahabang simula niya. "Gumaganyan ka na ah. Ano yan biglang pakipot ka kunwari?" napahalakhak pa siya.


Inirapan ko siya. "Whatever you want to call it. Basta kailangan kong magpaka-demure nang konti,"


Napailing-iling na lang siya habang medyo natatawa pa.


Nagsilabasan na karamihan ng mga kaklase namin at iilan na lang ang natira. Tinapik ko si Yael sa balikat.


"Oh sya. Kay Esquivel na ko sasabay palabas,"


He raised his brow at me in confusion.


"Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Inaaway ka na naman ba?"


Napangisi ako. "Hindi no. Magkakakampi na kami nyan ngayon," sabi ko bago tumayo na at sinukbit ang bag.


Nakahawak ako sa strap ng bag ko habang naglalakad patungo sa kabilang dulo ng classroom. Huminto ako nang makalapit na sa tapat ni Zaid. Sakto namang kakatayo nya lang.


Nakita ko ang pagdapo ng tingin niya sa akin. Umangat ang kilay niya.


"Ready for our study sesh?" I cooly asked.


He stared at me in amusement.


I can even feel some of our classmates weird gaze on us. Sanay kasi silang tila aso't pusa kami kaya't marahil ay nagtataka sila kung bakit tila biglang maayos kaming nag-uusap ngayon.


Hindi ko na pinatagal at inakbayan siya. Bahagya pa kong napatingkayad dahil sa katangkaran niya. Giniya ko siya hanggang tuluyan kaming makalabas ng classroom. Hindi naman siya umangal at nagpakaladkad na rin.


Nang tuluyan na kaming makalayo roon ay bumaling ako sa kanya. Naabutan ko siyang mapupungay ang mga matang nakatitig sa kamay kong nakapatong sa balikat niya. His cheeks are radiating a shade of pale red.


"How was that?" I proudly asked before pulling my arms.


Pagka-kalas ng kamay mula sa pagkaka-akbay sa kanya ay lumayo na rin ako nang bahagya para maharap siya nang maayos.


"H-huh?" he asked while his gaze absentmindedly followed my hand.


"Hindi ko binati si Spencer nung nilapitan kita. How was that? Will that make him think of me?" I asked hopefully with a foolish smile on my face.


His eyes instantly went up to meet mine. He blinked repeatedly before his brows slowly furrowed.


"You what?" he asked in a monotone.


"Sabi ko, hindi ko pinansin si Spencer. Tingin mo magtataka siya?"


Something flashed in his eyes. His forehead gradually creased before he looked away. He shook his head in disappointment before he started walking.


My lips parted.


"Uy bakit?" habol ko sa kanya. "Hindi ba effective yun? Hindi ka nga pala nakapagpaalam nang maayos sa kanya no? Itext mo na lang-"


"Alam niya naman." masungit na sabi niya.


"Na?"


Umikot ang mata niya. "Na nagpapaturo ako sayo. Sinabi ko."


Nanlaki ang mata ko.


"Talaga? Pinag-uusapan niyo ko? Anong reaksyon niya? Alam mo dapat pag nag-uusap kayo, nilalakad mo na rin ako sa kanya!" sunod-sunod na litanya ko.


Mabilis ang mga hakbang niya kaya't bumibilis din ang lakad ko para makahabol. Parang may sama ng loob siya sa bawat tapak.


"Tss. Ni wala nga siyang pake eh,"


Napakunot na ang noo ko sa mga pabalang na sagot niya pati na rin sa kakaibang tono niya.


"May problema ka ba? Ba't parang bad mood ka?"


I tried to reach for his arm to make him turn to me. He brushed off my hand like it was a hot potato.


Napanganga ako. Tumigil na rin naman siya at hinarap ako.


"Wala." he nonchalantly said.


Hindi ko namalayang nasa parking lot na pala kami at katapat na namin ang kotse niya.


I sighed. "Alam mo para mawala yang pagka-badtrip mo, wag na muna tayong mag-aral ngayon. Samahan mo ko sa mall!"


He stared at me before he slowly heaved a sigh.


"Anong.. gagawin natin don?" he softly said.


I smiled. "Hmm bibili ng pang-ayos! Wala kasi akong mga make-up at kung anu-ano pa. Eh diba kailangan ko na ngang matutong mag-ayos at magpaganda?"


He looked intently at me. Tenderness suddenly appeared on his eyes.


Napabuntong-hininga siya.


"Hindi mo naman na kailangan non..." he gently said.


Nalaglag ang panga ko.


"Anong hindi na kailangan?" nanlalaki ang mata na tanong ko. "Ibig sabihin maganda na ko sa paningin mo? Nagagandahan ka sakin, Esquivel?!" hysterical na tanong ko.


He tensely blinked and instantly looked away. Nagsalubong ang kilay niya.


I saw his adam's apple moved.


"Tara na nga."


Agad na siyang umiwas at umikot papasok sa sasakyan. Nakangising sumunod naman ako agad. Napapailing pa ko habang tinititigan ang seryoso niyang mukha.


"Sa may Town Center na lang para malapit," sabi ko habang nagsusuot ng seatbelt.


I heared him heaving another sigh.


Agad na bumaling ang tingin ko sa kanya dala ng pagtataka.


He was directly staring in front while his hands are tightly gripped on the steering wheel.


"Seriously though.." he turned to me. His eyes were filled with sincerity.


"Hindi mo kailangan gawin 'yon... Kung magpapaganda ka man ay para dapat sa sarili mo. Hindi para sa ibang tao,"


My heart skipped a beat. Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.


Napalunok ako.


"Alam ko naman.. Pero kasi... kapag nagandahan sakin si Spencer, I feel like I would feel more beautiful and confident about myself,"


I witnessed how his face fell. For a split second, I feel like a saw a glimmer of sadness in his eyes.


He immediately averted my gaze and returned it in front. Parang gusto kong habulin ang mata niya.


"Okay then.." he faintly said.


Nakita ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya.


"Kung yan ang gusto mo.." marahang sabi niya bago sinimulan ang makina ng sasakyan.






Every Flight CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon