Kabanata 8

41.4K 1.8K 517
                                    

Harder





Pinalis ko agad ang luha bago pinilig ang ulo habang nakayuko pa rin. Hindi ko na siya binigyan pa ng sagot. Nanatili rin naman na siyang tahimik at hindi na muli pang nagtanong.


Walang sabi-sabing pumasok na ako sa sasakyan. Hindi nagtagal ay sumunod na rin naman siya. Magkatabi kaming nakapwesto sa backseat habang ang driver lang ang nasa unahan.


"Ayos na ba? Alis na tayo?"


Kahit narinig ang tanong ng driver ay napako na ang tingin ko sa bintana. Nang maramdaman marahil na wala akong balak magsalita ay si Spencer na ang sumagot para sa amin.


Nanatili akong tahimik na nakatanaw sa may bintana nang magsimula nang umandar ang sasakyan.


I heared Spencer heaving a sigh.


"Place your bag here.." he softly said.


Natigilan ako atsaka marahang binaling ang ulo sa pwesto niya.


Nagtama ang mata namin at ramdam ko ang munting pag-iingat sa mga tingin niya.


"Para makasandal ka nang maayos.."


Binagsak niya ang tingin sa likod ko kung nasan nakalapag ang backpack ko. Napatingin ako roon at napansing nakaharang nga iyon sa sandalan ng upuan ko.


Bumuntong hininga ako at hinawakan iyon. Natigilan ako nang sabayan niya ang galaw ko at siya na mismong nag-abot noon para mailagay nang maayos sa gilid ko. Pinagtabi niya ang mga bag namin at ngayo'y naka-pwesto na ang mga iyon sa pagitan namin.


Mabilis na pinasadahan niya lang iyon ng tingin pati na ako bago siya umayos na rin ng pagkakaupo at binaling na ang tingin sa harap.


Ilang saglit pang nagtagal ang tingin ko sa kanya ngunit nanatili na siyang tahimik na nakatingin naman sa bintana.


Lumunok ako atsaka umiwas ng tingin. Nilibang ko na lang din ang sarili sa tanawin sa labas.


Paminsan-minsa'y sinisilip ko si Spencer at nakita kong seryoso na siyang nagbabasa ng kung ano sa phone niya.


Pagkalipas ng kulang-kulang dalawang oras ay huminto na rin ang kotse sa venue.


"Ibibigay ko ang contact ko sa inyo ah, para mai-message niyo na lang ako mamaya pag malapit nang matapos," wika ng driver.


Sumang-ayon kami at sinave nga ang numero niya. Pagkatapos ay nagtungo na kami ni Spencer papasok sa Convention Center na paggaganapan ng forum. Walang nagsasalita sa amin hanggang tuluyan nang makapasok.


Namangha ako nang madatnan ang loob ng Plenary Hall. Halatang isang malaking event ang magaganap dahil sa pagkakagayak doon. The place was equipped with a permanent stage. I roamed my eyes around and it looks like it can accomodate thousands of people.


Tinahak namin ang daan sa kung nasan ang registration. Karamihan sa mga nakikita ko ay nakadamit din ng kahawig ng sa amin. Nakakatuwang tignan.


Sa registration area pa lang ay na ramdam na ramdam ko na ang excitement. May ipinamahagi silang mga booklet, name tag at food stub doon.


"Huwag diyan! Dun tayo sa gitna," ngisi ko nang makitang tila patungo ang lakad ni Spencer sa may bandang gilid.


Sa hindi ko na maitagong excitement ay napataas ang kilay niya. Sumunod din naman siya at naglakad na kami palapit sa mas magandang pwesto. Huminto pa siya sa aisle at binalingan ako para paunahing makaupo.


Every Flight CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon