Kabanata 13

37.2K 1.8K 625
                                    

Dim




"Oh akala ko ba mag-aaral tayo?"


Bungad ko pagkalabas niya mula sa kwarto niya.


"Oo nga," he lazily said.


"Nasan na yung mga gamit mo?"


He grimaced. "Yung sayo na lang gamitin natin,"


"Apaka tamad mo naman! Ilalabas mo na lang eh!" padabog na sabi ko ngunit wala na rin namang nagawa kung hindi buksan ang bag ko.


"Ano bang gusto mong aralin ngayon?" tanong ko para sana yung gamit na lang sa subject na iyon ang ilalabas ko.


"Bahala ka," walang ganang sabi niya at sumalampak sa couch.


Pinamewangan ko siya.


"Alam mo parang wala ka namang interes dito," puna ko na medyo tumataas na ang boses.


Pano ba naman kasi ay wala siyang kwenta kausap. Ni hindi niya nga ako matignan nang diretso mula pa kanina.


He sighed. "Kahit ano, Ellie..."


Sa marahang pagkakasabi niya ay natigilan ako. Parang medyo umurong ang inis ko.


I cleared my throat. "Oh sya edi Calculus na lang,"


Nilabas ko ang libro namin doon at nagsama na rin ako ng ilang scratch papers. Kinuha ko rin ang mga ballpen ko saka inilapag lahat ng iyon sa center table. Sumalampak na rin ako sa carpet. Malambot iyon kaya't kumportable ang pagkakaupo ko.


"Tara na," aya ko.


Tumingin siya sakin ngunit mabilis ding umiwas. Tumayo na siya mula sa couch at umupo sa malayong banda mula sa pwesto ko.


Napakunot ang noo ko.


"Ang layo mo naman! Paano tayo magkakaintindihan niyan?"


Lumunok siya at umusog nang kaunti.


I sighed. "Kahit dito ka man lang sana sa mismong harap ko oh," sabay mwestra ko roon.


Parang labag pa sa loob niya ang pagtungo roon.


Inusog ko ang nakabuklat na libro sa harap niya.


"Ayan. Techniques of Integration na lang muna. Subukan mo munang sagutan yung exercises tas mag-focus tayo mamaya dun sa mga part na nahirapan ka,"


He took the book without a will. He stared at it with zero interest. Kung hindi ko pa rin inabot ang mga papel at ballpen sa kanya ay parang wala siyang balak kunin iyon. Wala sa sariling hinawakan niya lang ang mga iyon habang nasa libro ang mga mata.


Napailing-iling na lang ako at nilabas muna ang cellphone habang hinihintay siyang matapos magsagot.


Habang nabobrowse sa facebook ay may nakita akong nakakatawang meme at hindi na naiwasang mapahagalpak ng tawa.


Nang mapagtantong may kasama nga pala ko ngayon ay umangat ang tingin ko.


"Sorry,"


Nakapangalumbaba si Zaid habang nakatingin sakin. Sa postura niya ngayon ay tila kanina pa siya nakaganun at hindi naman nagaabalang magsagot ng nasa libro.


"Even the way you laugh is something that will scare the hell out of Spencer,"


Uminit ang mukha ko.


"Grabe ka naman!"


He sighed. "I'm saying things according to how much I know him, Ellie. It's not my fault if you find the truth about him offending. I didn't mean to hurt your feelings though..."


Hindi na ko sigurado sa kung ano pang mararamdaman ko sa sinabi niya. Kung maiinsulto ba o maging open-minded at mapag-unawa na lang sa katotohanan.


Napabuntong-hininga na lamang ako.


"So sa tingin mo, yung tipong mahihinhin talaga ang magugustuhan ni Spencer?"


He shrugged. "Basing from his ex, yes."


Nalaglag ang panga ko. Bigla akong napaayos ng upo. I leaned forward on the table.


"May naging girlfriend na siya?!"


"Kakasabi ko lang." pambabara niya.


Hindi ko na pinansin ang pamimilosopong iyon. "Akala ko pa naman siya yung tipong walang oras sa love life dahil masyadong goal-oriented!" gulantang na sabi ko.


"Well, he really is. Which is why he only had one relationship in the past,"


Mas nagiging interesado lang ako sa mga nakukuhang impormasyon.


"Nagtagal sila?"


He lazily nodded. "Two or three years, I think? Noon pa lang kasi ay nirereto na sila ng mga pamilya nila sa isa't isa. It kinda started with a forced date until they tried making it real to see if it would work,"


Napabilog ang bibig ko.


"Bakit sila nag-break?" kyuryosong tanong ko.


"It was a mutual decision. They'll be parting ways since she'll be taking tourism and he'll be a student pilot. Tingin nila'y hindi praktikal na panatilihin ang relasyon kung magiging malayo naman sila sa isa't isa. They don't want to trouble themselves with a long distance relationship,"


Hindi agad ako nakapagsalita habang inaabsorb ang mga nalaman. I was in awe.


"Grabe, ang mature naman nila..." namamanghang sabi ko. "So magiging flight attendant si girl?"


"I'm not sure, but maybe."


Napabuntong-hininga ako. "Kung ganoon nga ay napaka-perfect naman nila para sa isa't isa. A flight attendant and a pilot. What an ideal combination..." I exclaimed in defeat.


Zaid remained staring at me.


I shook my head to uplift my spirit.


"Pero hindi! Who cares about the ideals? Kami ang magpapauso ng pilot to pilot love story. We'll set a new standard!" kilig na kilig na sabi ko.


I caught a glimpse of something in Zaid's eyes. I wasn't sure what it was.


I continued my monologue since he's not talking.


"Pero kung magiging flight attendant nga si ate girl, ibig sabihin babaeng babae talaga siya no? Tsaka palaayos..." litanya ko.


Nanatiling nakamasid lang sakin si Zaid.


I sighed. "Kung ganon, dapat talaga sigurong subukan ko na ring maging mas conscious sa mga galaw ko? Maybe I should really be more feminine and lady-like..."


Wala sa sariling napatitig ako sa kawalan habang nag-iisip.


I heared Zaid heaving a sigh.


"You're even willing to do that?" he asked in a tone I can't seem to recognize.


I looked at him. I was lost for a second. He sounds so... gloomy.


I blinked tensely.


"I t-think so..." I said in a small voice.



I witnessed how dejection flashed in his eyes. He suddenly looks dispirited.


I can almost feel some heaviness on my chest just by looking at his dim expression.


"You must have really like him so much.." he muttered under his breath.


Sa paraan ng pagpungay ng mata niya ay hindi ko alam kung bakit tila gusto kong bawiin ang sinabi ko.








Every Flight CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon