Kabanata 36

46.8K 2.7K 1.6K
                                    

Apelyido





"Zaid pa-ready na ng damit," sigaw ko mula sa banyo.


Nandito kami ngayon sa condo ni Zaid. Inaya niya kasi akong i-critique ang pinapractice niyang recipe para sa contest na sasalihan niya.


Dahil siguro sa masyado akong maagang naligo kanina bago umalis ng bahay ay nakaramdam na ko ng panlalagkit sa katawan nang sumapit ang hapon. Kaya't nakiligo na lang ulit ako rito at nanghiram na lang ng spare clothes kay Zaid.


"Placed it on the bed already," I heard him from outside.


"Thaaanks," mahabang sigaw ko kasabay ng malakas na paglagaslas ng tubig sa shower.


Nang matapos sa pagligo ay sinuot ko muna ang extra bathrobe doon bago lumabas. Sa kama ng guestroom ay naabutan ko ngang may nakapatong na damit.


Lumapit ako roon para tignan iyon. It was a plain white shirt and a black adidas... jogger pants?


Napakunot ang noo ko habang inaangat ang mahabang pambaba lalo na nang mapansin na mukha pa man din iyong pang-alis at hindi pambahay.


Sa kabila noon ay sinuot ko na rin dahil iyon lang naman ang nandoon at wala nang iba pa. Nang matapos magbihis at maisaayos na rin ang mga ginamit ay lumabas na ako.


Dinala ko muna ang isang maliit na towel para magamit itong pampatuyo ng buhok. Naabutan ko si Zaid na nasa kusina at tingin ko'y malapit-lapit na ring matapos sa ginagawa.


I went near him.


"Zaid, I'm okay with a pair of shorts or boxers you know. Sayang naman 'to at mukhang pang-alis pa," wika ko habang tinutukoy ang suot.


Nakita kong natigilan siya.


"No.." he softly said in an instant.


Napaayos pa siya ng tayo mula sa pagkaka-bend.


"It's... safer that way," he looked away.


Kumunot ang noo ko. "Huh?"


Napatigil ako sa pagpupunas ng buhok at binaba na muna ang kamay na may hawak na towel.


"Ang weird mo naman. Kapag nasa labas tayo, okay lang naman sayong naka-shorts ako. Kung kelan tayong dalawa lang ang magkasama, tsaka mo naman ako gustong pag-suotin ng mahaba."


Kusang lumukot ang mukha ko. "Hindi ba parang baliktad? Nasan ba ang peligro, dito o sa labas?"


He sighed and tried to avert my gaze again.


"Dito, Ellie.. Believe me, nandito ang peligro." he murmured in almost a whisper so I couldn't hear it properly.


I just shook my head in confusion. Di ko siya gets.


Pinagpatuloy ko na lang ang pagpapatuyo ng buhok ko. I saw him took a glance on me.


"You can wait in the living room, Ellie.." his adam's apple moved. "This will be done in a while,"


Hindi ko alam kung ba't tinataboy niya ko pero sumunod na lang ako. Pumunta ako sa sala at binuksan ang TV.


I was laughing at the hilarious chick flick show I was watching when I saw Zaid placing the food on top of the center table.


Bumangon ako sa pagkakahilata at umayos ng upo para tignan ang nilapag niyang pagkain. My mouth parted at how good it looks like. Hindi lang basta mukhang masarap yung pagkain, even the plating itself was very commendable.


Every Flight CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon