Look after
Zaiden Pierce:
Dito na ko
Nang makita ang pumasok na mensahe sa phone ay sinukbit ko na ang bag ko. Siniguro ko munang kumpleto ang mga gamit na kailangan kong iuwi at walang nakalimutan bago lumabas.
Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko pa si Jaron na nagsisintas ng sapatos sa may sala.
"Uwi ka na rin?" tanong ko.
Nilapag ko muna ang mga bitbit para uminom ng tubig. Habang nagbubukas ako ng ref ay narinig ko ang sagot niya.
"Oo, ikaw rin ba?"
Tinaas ko ang dalawang kilay sa kanya habang nainom ng tubig. "Oo," sabi ko nang mailapag ang baso.
Nang balikan ko ang mga iniwang gamit ay saktong tumayo na rin siya. Marahil dahil uuwi ay talagang mababakas ang galak at pagkasabik sa mukha niya.
Napangisi ako. "Nakaka-excite umuwi no?"
Tumango siya. "Miss ko na pamilya ko,"
Sakto namang pumasok si Nanay Beth kaya't nakapagpaalam pa kami nang maayos bago umalis. Sabay na kaming naglakad palabas.
"San ka pala sasakay?" tanong niya. "Sa may terminal ng bus din ba sa may Olympia?"
Umiling ako. "Hindi eh, ihahatid ako ng kaibigan ko."
Pagkalabas na pagkalabas namin ay agad namang bumungad ang nakaparadang sasakyan ni Zaid sa tapat ng boarding house. Tinted iyon kaya't hindi ko pa siya makita mula sa loob.
"Sige, Ellie. Ingat," paalam ni Jaron.
Nilingon ko siya at nginitian. "Ingat din! See you next week!"
Kinawayan ko pa siya bago kami naghiwalay ng daan. Sa kabilang dako na siya dumiretso habang nagtungo naman ako sa may sasakyan ni Zaid.
Pagbukas ko ng sasakyan ay hindi ako agad na sinalubong ng tingin ni Zaid. Nakatuon siya sa may labas at tila may sinusundan ang mga mata niya. Kahit nang tuluyan na kong makasakay at nang maisara ko na ang pinto ay may bahid pa rin ng pagtataka sa mukha niya.
"Oh, ba't ganyan mukha mo?" bati ko sa kanya.
Hindi niya pinansin iyon. "Sino yun?" he asked instead.
I followed his line of vision. It brought me to Jaron who was walking away.
"Ah, si Jaron? Kasama ko sa boarding house,"
His face instantly turned to me. "What?"
"Anong what?" litong tanong ko.
"May kasama kang lalaki sa inuuwian mo?" his tone is rather getting edgy by the minute.
"Oo meron. Tatlo,"
He looks horrified. Halos hindi na maipinta ang mukha niya. "What is that? A men's dorm? Ba't ka tumitira sa ganyang lugar, Ellie Madeline?!"
I was taken aback by the sudden rising of his tone. "Hoy kumalma ka may mga kasama rin naman kaming babae."
He doesn't look very much convinced.
"Tsaka, hiwalay naman yung floor para sa mga babae at lalake. Plus maganda pa yung services. Hindi kami nahihirapan sa mga gawain." pagpapaliwanag ko. "Teka nga, ba't ka ba nagagalit?" dagdag ko nang mapagtanto iyon.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...