Akin
"Ang galing mo talaga nung friday, di ako makaget-over!"
Frantic na nagsasalita si Macy habang nandito kami ngayon sa corridor at naka-upo sa may balcony ng palapag. Bawal pero wala pa namang prof kaya pumuslit muna kami.
"First time kita marinig mag-salita nang ganon! Para kang inspired na ewan,"
I chuckled. "Inspired naman talaga 'ko.."
Nanlaki ang mata niya. "Hoy?!"
Tinignan ko siya nang natatawa.
"Baket?" maang-maangan na halakhak ko.
"May love life ka na agad?! Bat di ka nagkukwento?!"
I shook my head while laughing. "Crush pa lang naman,"
She hit my arm. "Langya ka kaya pala! Halos maiyak pa naman ako sa testimony mo tas yun pala iniisip mo lang naman yung crush mo nung mga oras na yun!"
"Hoy," natatawang saway ko sa kanya. "Seryoso naman yung mga sinabi ko non. Touching talaga yung kwento ng mga pinagdaanan ko,"
She eyed me suspiciously before she shrugged. "Pero alam mo tama lang naman yan. Humarot na tayo habang first year pa kasi pag-upper na tayo baka hindi na natin masingit yan sa busy sched natin!"
I raised my brow meaningfully. "Pwera na lang kung student pilot din naman siya tas kaklase ko pa.."
Nalaglag ang panga niya bago ako pinaghahampas. "Haliparot kang babae ka!"
Tawa pa ko nang tawa nang matanaw na may pumasok na sa classroom nila Macy. Agad kaming bumaba mula sa pagkakaupo.
"Punta ko sa inyo mamaya ah?" paalala niya.
"Sus gusto mo lang masilayan na naman si Jaron eh," tukoy ko sa ka-boarding house ko.
She crossed her arms. "Baket ikaw lang pwede lumandi?"
I chuckled. "Wala yun dun mamaya, may trabaho siya pag-ganitong araw. Working student kaya yun,"
Nanlaki ang mata niya. "Di nga?"
Kung hindi ko pa siya tinulak at pinilit na pumasok na sa room nila ay ayaw niya pa sanang magpa-awat sa pagtatanong.
Napailing-iling ako habang naglalakad na papunta rin sa classroom namin. Same floor kami at ilang silid lang ang pagitan. Hindi nagtagal ay nakarating na ako roon at gaya ng inaaasahan ay wala pa rin ang prof namin para sa isang GE elective subject. Madalas talaga siyang late ng 10-15 minutes kaya't medyo sanay na kami.
Umupo na lang muna ko sa upuan ko at pinanood ang paglalaro ni Yael sa cellphone niya. Matapos ang ilang saglit ay dumating na rin naman ang guro.
Nilabas ko ang notebook para makapag-take down ng notes sa discussion. Normal na lecture lang naman ang panimula niya tulad ng madalas.
Sa dulo nga lang tuwing bago matapos ang meeting ay nagtatawag ng isa si Ma'am para sumagot ng isang tanong tungkol sa lesson. Dun niya raw maa-asses kung talagang nakinig kami at naintindihan namin ang lesson.
Nang ilabas at balasahin niya na ang index cards ay alam na namin ang susunod na mangyayari. Napaayos ng upo ang marami at may nakita pa kong pasimpleng nag-sign of the cross.
"At ang maswerteng magrerecite ngayon ay walang iba kung hindi si..."
Pa-suspense na pinutol pa ni Ma'am Furgoso ang sasabihin habang nakapikit na bumunot ng isang index card.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...