Peace
"Guys, punta na raw sa Audi!"
Natigil ang pagbo-browse ko sa cellphone dahil sa pagsigaw ng kaklase naming student assistant ng college secretary.
"Tara, Ellie?" aya sakin ni Yael.
Tumango ako at niligpit na muna ang mga gamit sa bag. Pagkatapos ay cellphone at wallet lang ang binitbit bago tumayo. Sabay na kaming lumakad palabas ni Yael. Sama-sama kaming magkaka-klase na naglakad patungong Auditorium.
Ngayon ang departmental freshmen orientation namin sa aero-sci. Bukod sa naganap na overall university convocation noong bago pa man opisyal na magsimula ang klase ay meron pang bukod na ganito para sa bawat course.
"Ready ka na ba?" ngisi sakin ni Yael.
Sinimangutan ko siya. Parang naramdaman ko na naman ang munting pagbaliktad ng sikmura.
"Wag kang epal," I uttered.
He chuckled. "Gulat ako pa-facebook facebook ka na lang kanina eh,"
I looked away. "Nililibang ko lang yung sarili ko para mawala yung kaba,"
He made a face. "Sus, kaya mo yan! Ang tapang-tapang mo kaya," halakhak niya.
I shook my head.
Mamaya kasi sa program ay isa ako sa mga magsasalita. Inatasan kami ni Spencer na magbigay ng short testimony tungkol sa journey ng pagpasok namin sa PCAST bilang topnotchers.
What the fuck kasi ba't kailangan pa ng ganun? Alam kong sa ngayon, maaaring ang tingin ng mga kaklase ko ay sanay ako sa mga ganitong bagay pero ang totoo ay hindi. Wala pa kong kahit na anong experience sa pagdedeliver ng formal speech. And it's going to be in the freaking auditorium. That place is huge as hell. I'm sure maraming tao. All those eyes would be all over me later. Just the thought of it made me shudder in fear.
Pagdating sa Audi ay natanaw ko na agad ang sandamakmak na taong nagse-settle na sa kani-kanilang upuan.
"San daw ba kayo uupo?" tanong ni Yael.
"Kahit san lang daw muna tas ipapatawag na lang kami pag malapit na. Sama muna ko sa inyo," sabi ko habang sinusundan namin ang ibang X1.
Tumango-tango siya. Sa hindi kalayuang row mula sa stage pumwesto ang mga naunang kaklase namin kaya't mukhang hindi na kami mahihirapan mamaya.
Sobrang ganda ng Audi at theatre-like ang design. Pati ang mga upuan ay luxurious at higit na maganda pa sa mga nakikita sa sinehan.
Nanatili kami sa may aisle habang hinihintay na makapasok sa linya ng mga upuan ang sinusundan namin.
Nakita ko pa si Zaiden na prenteng nakaupo na sa parehong row na pinapasukan namin.
Umusad ang linya at dumiretso na kami ng lakad. Namataan ko ang pag-ngisi ni Zaid pagkakita sa akin.
"Hi, Ellie. Shoutout mo 'ko mamaya ah," he chuckled.
I rolled my eyes while passing by.
"Ba't di ka sa kaibigan mo magsabi," bulong ko.
Sakto namang nagtama ang mata namin ni Spencer na katabi niya pala. Shit. Hindi ko iyon napansin kanina dahil natatakpan ni Zaid. I instantly looked away because my heartbeat raced at the view of him.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...