Kabanata 28

39.1K 1.9K 279
                                    

Nabura





Akala ko'y hindi ako tatagal ng isang linggo man lang sa UK.


My first few days were hell. Sure, I may have a prior experience of being away with my family and loved ones since I chose to study in Manila pero iba pa rin talaga.


It's still very much different. The homesickness hits differently when you're in a brand new environment. The loneliness kicks in whenever you realize that you can't even talk to anyone around you using the language you're most comfortable to.


Malungkot ka na nga araw-araw pero kailangan mo pa rin talagang mag-english. Ni wala akong mapaglabasan nang malutong na mura sa tagalog. Masakit na nga sa ulo ang pag-intindi ng lessons tas mas sasakit pa dahil kailangan mo pang magconstruct ng correct grammar sa isip para lang makapagtanong sa prof.


Syempre may mga sumusubok namang makipag-kaibigan sa amin. Ang totoo'y binigyan pa nga kami ng student buddy para hindi mahirapang makipag-socialize. Pero ganito kasi yung mga pagkakaibigan na alam mong nabuo lang kasi kailangan. Panandalian. Hindi magtatagal. Kaya nakakatamad na ring mag-invest at ma-attach.


I always find myself crying on my bed every night during our first week. Nakakalungkot. Nakakapangulila. Miss ko na lahat sa Pinas. Maybe this is too overwhelming for me. Maybe this is too much for me. Maybe I wasn't really emotionally - prepared enough for this. Maybe I'm too young for something like this.


There was this one time na marahil dahil sa sobrang pagiging out of focus ko lately ay saktong passing score lang ang nakuha ko sa isang exam namin sa Thermodynamics. I wasn't used of that. Since college started, I've always aimed not to settle for less. I've been doubling my efforts just so I can be at my best.


That moment have triggered another breakdown from me. Ang kaibahan lang nito ay sa school ako inabutan ng mabigat na nararamdaman. Mas malala kumpara sa mga pagkakataon na natitiis ko pa at pagdating na lang sa dorm nilalabas ang lahat.


Pagtuntong na pagtuntong tuloy ng recess noong araw na iyon ay agad kong binaybay ang patungo sa university grounds. Nakayuko lang ang ulo ko habang tinatahak ang daan papunta sa school garden. Lumuwag ang pakiramdam ko nang makitang walang ibang tao roon.


Nanghihinang umupo ako sa isang cement bench.


Ayoko na. Ayoko na talaga. Hindi ko na kaya. Gusto ko na lang umuwi. Sa bahay. Sa totoong bahay.


Hinugot ko ang cellphone sa bag. Hinanap ko ang contact ni Sir Gallego at agad na tinawagan iyon.


Nang dinikit ko na ang telepono sa may tainga at inangat ang tingin ay nagulat pa ko nang matagpuan si Spencer na papalapit sa direksyon ko.


His face is generally void of any emotion but I can see something in his eyes. It looks... empathetic.


He sighed. "Sinong tinatawagan mo?"


One thing I noticed these past few days though is that Spencer's been trying to speak with me more in tagalog since we arrived in here. It kinda helps to keep my sanity atleast.


Iniwas ko ang tingin. Patuloy lang ang pag-ring ng telepono at wala pang sumasagot.


"Si Sir Gallego. Hindi ko na talaga kaya. Uuwi na ko," sabi ko.


He heaved another sigh.


"Tingin mo talaga makakauwi ka kapag sinabi mo yan sa kanya?" he just sounds just as low-spirited as me.


Every Flight CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon