I mean
Kaya nang sumapit ang unang araw ng klase ay siniguro ko nang plain lang ang isuot at hindi iyong may design. Hindi na iyon pansinin tulad ng floral.
Sa totoo lang ay bago pa man umalis sa bahay kahapon ay napansin ko ngang medyo kita ang panloob ko. Ngunit wala naman akong maipang-palit dahil nadala ko na lahat ng ibang damit ko sa boarding house. Iyon na lang palang floral ang naiwan ko sa probinsya. Hindi ko naman inakalang may walang hiyang pupunahin talaga yun.
Nakakainis! Tuwing naaalala ko ang nangyari ay kumukulo pa rin ang dugo ko sa lalaking yun.
Pinilig ko ang ulo at tinali na nang maayos ang buhok. Hindi talaga ako magsasawang titigan ang sarili ko sa salamin habang suot ko ang uniporme namin. Pakiramdam ko ay ang lapit lapit ko na sa pangarap ko.
Ngumiti pa ko sa salamin bago sinukbit ang bag at lumabas ng kwarto. Tatlong palapag ang boarding house na tinutuluyan ko. Sa ikalawang palapag ang kwarto naming mga babae habang sa ikatlo naman ang mga lalaki. Sa first floor naman ay may living room at kusina.
"Oh, Ellie kain," aya ni Axl pagbaba ko.
Nginitian ko siya. "Tapos na, maaga akong gumising kanina."
Nagpaalam at nakisuyong sabihan na lang din niya si Nanay Beth na umalis na ko. Si Nanay Beth ang may-ari ng boarding house na kasa-kasama rin namin. Kabilang ang pagluluto at paglalaba sa binabayaran namin na siya rin ang gumagawa para sa amin.
Hindi na naging mahirap ang pagtunton sa classroom dahil sa campus tour na naganap.
I know we already got to peak inside each classroom but the view still amazed the hell out of me. It was far from the usual room setting I was used to in the province. The ambiance screams professionalism. I feel like I'm studying in an international school. Partida normal na classroom pa lang 'to pano pa yung mga special facilities.
Nilibot ko ang tingin at namataan si Spencer sa may likuran. Nasa may gilid siya at naka-krus ang matipunong braso sa dibdib. Nakabaling ang ulo niya sa labas. Tahimik na nakatanaw sa may bintana.
His side profile highlighted his well-defined jaw. The muscles on his arms look like its gonna pop out of his sleeves. And oh, did I already mention that he looks dashing in his uniform? I did? Well, I'd say it again cuz fuck, he really do.
Tumuwid ako ng tayo at napagdesisyonang umupo sa bakanteng silya sa tabi niya. Aktong hahakbang na ko nang may dumaan sa gilid ko at marahang dumikit sa braso ko.
Napalingon ako at nakita si Zaid na seryosong nakatuon ang mata sa cellphone. Dalawang kamay niya ang nakahawak sa nakapa-higang cellphone niya at base sa mga tunog na naririnig ko roon ay mukhang naglalaro siya.
Saglit na umangat ang tingin niya sakin bago agad ding bumalik sa screen. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at ngumisi habang abala roon.
"Hi, Ellie." he greeted without looking at me.
His eyes are still busy on his phone. Mukhang hindi naman siya umaasa ng sagot mula sa akin kaya nagpatuloy na siya sa paglalakad habang naglalaro pa rin.
He sat beside Spencer and immediately mumbled things with brows still seriously furrowed on the game. It looks like Spencer just gave him a one line answer without giving him a look too.
I sighed in defeat. No matter how much I don't want to admit, the Zaid guy also looks so freaking gorgeous. Hindi lang naman siya actually. Marami akong lalaking nakikita rito sa school na parang ang gwapo-gwapo tignan sa uniform nila. Nakaka-gwapo nga ata talaga ang pagpipiloto.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...