Seven

97 10 0
                                    

I tried to avoid her. I tried my best but I can't. Isang linggo ko palang siyang hindi pinapansin ay nahihirapan na ako. Hindi naman siya tumitingin sa akin. How can she do that? Ang galing niyang magpanggap na hindi ako nag eexist sa kanyang paligid. Ganuon ba talaga siya? O sa mga lalaking katulad lang ng tatay niya. Fuck! Ganito na ako? Pero pwede namang magbago diba?


Nang matapos ang klase ko sa araw na ito ay mabilis akong lumabas ng aming classroom. Nakita ko si Ardite na lumiko sa kabilang building kaya agad na kumunot ang aking noo. Masyadong delikado sa lugar na yun dahil hindi pa tapos sa pagrerenovate. What is she going to do there?


Agad akong sumunod sa kanya at nakita ko siyang kumaliwa ulit sa kabilang building. Ngayon ay napahinga na ako ng mabuti, mabilis akong umalis sa pwesto ko para makalayo sa building na iyon.


Maingat akong sumunod sa kanya at napatingin ako sa aking relo, Pasado alas cinco na ng hapon at medyo maliwanag pa. Nakita ko na lamang siyang pumasok sa gymnasium kaya mabilis akong nagtaka.


Nagsilabasan na ang ibang member ng cheering squad at pati na rin ang ibang players na ngayon ay pawisan. Hindi ko nakitang lumabas si Ardite kasama yung lalaking iyon. Naiwan ba sila sa loob?


A lot of scenerios came in to my mind, what are they doing there?


Maglalakad na sana ako papasok sa gym ng biglang bumakas ang pintuan saka lumabas ang dalawa. Hindi ko marinig ang usapan nilang dalawa pero ramdam ko na okay si Ardite na kasama siya. Napatitig ako sa mukha ng lalaki at masasabi kong mas lamang ako sa kanya.


 Anong nakita niya sa lalaking iyan na wala sa akin? Nakita niya na ba yung kanya?

Sinundan ko sila, pasimple ko silang sinundan hanggang sa marating nila ang parking lot. Mabuti nalang at malapit lang ang kotse ko. Nakita kong sumakay si Ardite sa sasakyan nung lalaking iyon kaya mabilis na kumulo ang aking dugo. Paano niya nagawang sumama sa lalaking iyon ng ganun lang kadali?


Pumasok ako sa sasakyan ko at sinundan ko sila. Napansin ko ang dinadaanan namin at pamilyar ito sa akin, mukhang ipupunta ng lalaking iyon sa condo niya.


"Fuck!"mas lalo kong hinawakan ng marahan ang manubela ng aking sasakyan. Nang huminto ito ay mabilis ko silang pinagmasdan hanggang sa makababa at makapasok sa loob. Nakita ko kung paano inalalayan nung lalaki si Ardite sa pagpasok sa elevator. Elevator yun! Tapos manghawak at mang alalay kay Ardite ay parang mahuhulog naman o mapapahamak ito.


Sumunod ako at pumasok sa kabilang elevator. Pinindot ko ang floor ni Tom, kasi naalala ko rin na magkatabi pala sila ng unit.


Pagkarating ko sa floor ay nakita ko pa kung paano binuksan ni Vincent ang kanyang condo saka sila pumasok ni Ardite. Bakit sumama si Ardite sa kanya. Hindi ba delikado na sumama siya sa lalaking iyon? Mas lalong nagsalubong ang aking kilay. Sakto naman na bumukas ang pinto ni Tom kaya agad siyang nagulat nang makita ako. Nakaboxer lang siya at medyo pawis ang katawan.


"Oh dude? You missed me?" Hindi ko siya pinansin at walang pasabing pumasok ako sa unit niya.


"What's your problem?" tanong niya.


Taming The Irascible Damsel(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon