Halos manginig ang buo kong katawan dahil sa aking nakita. Hindi ako pwedeng magkamali. Kitang kita ng dalawa kong mata si Papa na may kasamang ibang babae.
Hindi na dapat bago to sa akin pero bakit parang masakit pa rin sa akin. Alam ko namang ibang babae ang dahilan kung bakit niya kami iniwan. Pero hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na makita mo siyang masaya sa piling ng ibang babae at hindi sa aking Ina.
Napalunok ako nang makita ko kung paano halikan ni Papa ang babaeng kasama niya. Inalalayan niya pa itong pumasok sa loob ng sasakyan niya na dati naman ay kaming dalawa lang ni Mama ang sinasakay niya.
I hate him a lot. I hate him for being an asshole. Napakagago lang. Sobrang galit ako sa kanya pero hindi ko pa rin maipagkakaila na may konti pa ring natitirang respeto at pagmamahal sa kanya.
Mahal na mahal ko si Papa tapos iiwan niya na lang kami ng biglaan dahil sa iba. Napapunas ako ng luha nang lumapit sa akin si Lorez. Nagtataka siya kung bakit ganito ang aking Itsura.
"Baby, are you okay?" Hinawakan niya ako sa balikat kaya naman napatango ako. Napalunok pa siya bagong umiling. "I know you're not. May problema ba?" Sa tanong niyang iyon ay napayakap nalang ako bigla sa kanya. This is what I needed right now. I need comfort.
Niyakap niya rin ako pabalik. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. Nakapagpakalma naman sa akin ang paghaplos niya sa likuran ko.
"It's okay. I'm just here to listen with your problems. Makikinig ako. You can share it with me. Handa akong damayan ka."
"I saw my dad," saad ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya. "With another woman." Naramdaman ko ang pagtulo muli ng aking luha dahil sa sinabi ko.
"Akala ko magiging madali lang sa akin na makita siyang may kasamang iba pero parang mali ako. Masakit pala." Bumitaw ako sa yakap niya saka ako humarap sa kanya. Kita ko sa mata niya ang pag aalala.
Nasira tuloy ang date naming dalawa. Pagkatapos kong umiyak sa harapan niya ay nagpasiya na siyang ihatid ako sa bahay. Pero may nadaan kaming park malapit sa subdivision namin kaya pinahinto ko muna siya duon.
Walang tao pero anduon pa rin ang makukulay at nakakaenganyong mga disenyo. Umupo kaming dalawa sa swing saka ako napatitig sa kalangitan.
Ilang buwan ko ng hindi nakikita si Papa tapos ngayon ko pa siya makikita. Hindi ako handa. Hindi ako naging handa. Kahit na hindi niya ako nakita, sapat na para sa aking masaktan na masaya siya sa iba. Hindi ko nakitang naging masaya sa amin si Papa. Ramdam ko iyon. Pero tangina. Ang gago ng mundo. Bakit pa sila nagsama ni Mama ng ilang taon kung hindi naman sila masaya? Kung hindi naman sila masaya sa isa't isa.
Ilang beses ko na ngang tinanong sa aking sarili kung nabuo ba ako dahil sa pagmamahal o dahil lang sa libog na meron sa kanilang katawan. Tangina naman kasi!
Gusto ko lang ng simpleng buhay kasama ang mga magulang ko pero iyon pa ang pinagkait sa akin. Walang silbi ang lahat ng yaman na meron kami kung nababalot naman ang aming puso ng lungkot at sakit.
Naramdaman ko ang kamay ni Lorez sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya.
Tinapik tapik niya ito saka siya ngumiti sa akin. "Andito lang ako." Tumango ako sa kanya saka ngumiti kahit na namumuo na naman ang aking mga luha sa gilid ng aking mga mata.
Nang una kong malaman na may relasyon si Papa sa iba, si Lorez ang aking nakasama. Naguilty ako masyado nuon dahil sa kanya ko pa nailabas lahat ng galit ko. Kahit hindi naman niya kasalanan. Pero bilib din ako sa kanya nuon dahil kahit ilang beses ko siyang itaboy nuon, hindi niya ako iniwan.
"Hindi natin maintindihan ang mundo,no?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.
"My Mom left us when I was ten years old. I was young that time but I vividly understand everything." Napalunok ako sa sinabi niya. Kung may pagkakatulad man siguro kami bukod sa aming nararamdaman sa isa't isa, marahil ito nga. Ang magkaroon ng broken family.
BINABASA MO ANG
Taming The Irascible Damsel(Completed)
Teen FictionTaming this girl is difficult, capturing her heart is challenging, and desiring her is unattainable. But I will not give up on her. I'll show her that we can be. That I am capable of changing myself for her. That I'm good to her. That I'm willing to...