Tinulak ko si Lorez dahil sa sinabi niya. Napalakas ata ang pagkakatulak ko kaya siya nalalag sa sahig. Napatingin ako sa kanya habang nakaupo siya sa sahig. Tinaas ko ang kilay ko ng mapangisi siya.
"Ewan ko sayo." Kakakain lang namin pagkapunta namin sa condo niya pero nag mint naman ako kanina. Nakakainis si Lorez. Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin.
"Just kidding."
Hindi ko siya pinansin saka ako nagtungo sa banyo para maghilamos. Pagkalabas ko, mukha niya agad ang bumungad sa akin. Nakasandal ang isa niyang kamay habang nakatingin sa akin ng diretso ang kanyang mga mata.
"Sorry na. Hindi na mauulit."
"Talagang hindi na mauulit kasi hindi ka na makakahalik. Tumabi ka nga diyan." Binangga ko siya saka mabilis na nagtungo sa couch para umupo. Mabilis naman siyang sumunod sa akin saka siya napakamot sa kanyang ulo. He is really annoying.
Pagdating ng shift namin para sa pagbabantay ng booth ay naging tahimik lang kami. Nakaupo ako sa labas ng booth habang pinagmamasdan ang iba na naglalakad sa field. Mamayang 8 pa ang simula ng pre pageant kaya wala pang gaanong tao sa university.
Tumabi naman sa akin si Jem na ngayon ay naka short skirt.
"Busy ka masyado kay Denzel ah,"pang aasar ko sa kanya.
"Hindi naman." saad niya saka napabuntong hininga. "Kamusta kaya si Shen? Gusto ko siyang puntahan ngayon kaso shift naman natin."
"Hindi tayo makakanuod," bulong ko.
"Nakakainis naman. Wala naman atang masyadong bibili ngayong gabi kasi gabi na. Sino pa sana ang kakain ng streetfoods sa oras na ito? And If I'm not mistaken, baka nag early dinner na rin ang karamihan."
"So you want to ditch our groupmates?" Siyam kaming nakaassign sa booth ngayong oras na ito. Si Tom at Denzel na inutusan naming bumili ng mantika dahil ubos na ang aming stock.
"Magsara na lang tayo ng booth."
"Nice," sarcastic kong saad saka umirap. "'Pag to nalaman ni Mrs. Valeria lagot tayo at baka bagsak na tayo sa subject niya."
"Nakakainis."
"Nainis ka pa. E, maghapon ka ngang wala. Saan kayo nagpunta ni Denzel?" Umiwas naman siya ng tingin saka tumayo. "Cr lang." Hindi na ako umangal pa nang makita ko na si Lorez na papunta sa aking gawi.
"Gutom ka na?" tanong niya pagkalapit niya sa akin. Umupo siya sa aking tabi.
"Hindi pa naman." Nakalimutan naming mag early dinner. Siguro mamaya nalang kami kakain.
"Pag nagugutom ka, sabihan mo lang ako. Pwede akong bumili ng pagkain natin." Tumango ako sa kanya saka tumingin sa paparating na mga estudyante.
"Lorez, long time no see." Napatingin ako sa babaeng tumawag sa kanya. She's pretty and had a sexy body. Compared to me, wala akong laban sa kanya.Who is she? Isa sa mga naging fling niya?
Natawa lang ang babae hanggang sa makalagpas sa amin. Tumingin ako kay Lorez ng may pagtataka.
"Sino yun?"
"Steffany," saad niya.
Hindi ako sumagot saka nagsimulang maglakad papalayo sa kanya. Hinabol naman niya ako. Napatingin sa amin si Jem na nakakunot ang noo.
"Nagpatulong lang siya sa akin noon."
"No need for explanation."
He licked his lower lip before holding my hand. "I swear. Napagtanungan ko lang siya noon."
BINABASA MO ANG
Taming The Irascible Damsel(Completed)
Teen FictionTaming this girl is difficult, capturing her heart is challenging, and desiring her is unattainable. But I will not give up on her. I'll show her that we can be. That I am capable of changing myself for her. That I'm good to her. That I'm willing to...