Nineteen

62 8 3
                                    


Ardite's Point of View

"Ano? Hindi kita gets Ardite?"Tinignan ako ni Shen na hindi makapaniwala. Napalunok ako saka bumaling kay Jem na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"You like him?" Jem asked me with a serious look. I took a deep sigh before answering her.

"Yes."

"Ardite naman,We all knew that 'that guy' is not good to you. What if lokohin ka lang niya?" Shen held my right hand while still looking directly into my eyes. "I'm just concern,okay? I care for you kaya ganito lang ako ngayon." Napatango ako sa kanyang sinabi.

"Shen, let's just be happy with them." Ngumiti sa akin si Jem saka umupo sa aking tabi.

Napabuntong hininga si Shen saka tumitig sa akin. "Just don't give it all to him. Magtira ka para sa sarili mo," seryoso niyang sabi na ikinatango ko. Ramdam ko pa rin sa kanya na tutol siya sa ginawa ko.

Shen and Jem are my bestfriends. Sila na ang mga kasa-kasama ko highschool pa lang kami kaya ganito nalang namin itrato ang isa't isa. Para na kaming magkakapatid. Kilala namin ang bawat isa, pati sikreto ay hindi namin naililihim.

"Kung diyan ka masaya, suportado ka namin." Niyakap ako ni Jem kaya naman niyakap ko rin siya pabalik. Maging si Shen ay sumali sa aming yakapan.

"Sabihin mo lang sa amin kapag sinaktan ka ng Lorez na iyan at bubugbugin natin." Natawa ako sa sinabi ni  Shen. Bumitaw sila sa pagkakayakap sa akin saka muling tumingin sa akin.

"Kayo na?" Tanong ni Jem habang pinaglalaruan ang lollipop na nasa bibig niya. Dahan dahan akong tumango sa kanila. Nagpigil naman ng tili si Jem at itong si Shen naman ay natawang napairap.

"Sabagay, Lorez is hot. Gwapo, sobrang gwapo pero gago. Nako! Mag ingat ka lang sa kanya," saad ni Jem na ikinangiti ko.

"Alam ko naman ang ginagawa ko. Hindi ko naman ito papasukin kung  hindi ko kaya."

"Ardite, dapat naman nagpaligaw ka muna. Alam kong hindi siya ang una mong Boyfriend pero dapat nagpakachoosy ka muna," seryosong saad ni Jem.

"Wala nang ligawan na mangyayari. Nako baka mas matagal pa ang panliligaw kaysa sa ikli ng pagsasama nila." Pabiro namang hinila ni Jem ang buhok ni Shen. Nagpeace sign lang si Shen sa akin kaya ako natawa.

"Grabe ka naman. Second relationship yan ni Ardite kaya dapat magtagal yan. Dapat matumbasan niya yung relationship nila ni Lance. 6 months yun diba? Kamusta na kaya yun sa Canada?"

"Hoy! Ang ingay mo! Baka di pa nakamove on si Ardite." Pabirong saad ni Shen. Lance was my first boyfriend. She decided to end our relationship when he, together with his family migrated at Canada. That was my first heartbreak but I'm already fine. Atleast hindi siya nagloko. He had already a new relationship in Canada.Mukhang hindi na nga sila babalik.

"May Lorez na nga diba? Nakamove on na yan."

"Ewan ko sa inyo. Ang ingay niyo." Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya mabilis ko itong inopen. Lorez sent me a message. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko siya na naglalakad papunta sa aming gawi. Kasama niya yung dalawa niyang barkada.

"Oy papunta sila sa atin." Natawa ako sa reaksyon ni Shen dahil sa kanyang pamumula. Gusto niya kasi si Tom. Grabe siya mag alala sa akin pero yung taong gusto niya mas malala pa sa taong gusto ko.

Ngumiti sa akin si Lorez pagkalapit niya sa amin. Tumango lang siya sa dalawa kong kaibigan. Todo ngiti naman sina Tom at Denzel.

"H-hi!" I stuttered. Mas lalong lumawak ang kanyang pagngiti dahil sa inasal ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nakagat niya ang pangibabang labi niya.

Taming The Irascible Damsel(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon