"Okay ka lang dito? Sigurado ka ba?" Kitang kita ko sa mata ni Kuya Vincent ang pag-aalala. Sa condo unit niya muna ako mag i stay. Hindi rin kasi alam ni Mama na bumalik na ako ng Manila. Gusto ko muna sanang ayusin ang ibang problema bago ako uuwi ng bahay.
"Oo naman kuya. Okay lang ako dito." I gave him a sweet smile to assure him that I will be okay here. "Don't mind me kuya. Masyado na akong naging pabigat sayo these past few years, kaya ko na to."
Napasimangot naman siya dahil sa sinabi ko. "Hindi ka naman naging pabigat sa akin.Oo na, just call me if you need something."
"Oo, kuya." Tinanaw ko na lang ang kotse niyang papalayo na sa akin. Napatingin ako sa kalangitan dahil sa nagbabadiyang ulan. Minsan pala nakakamiss din tong Manila.
Dala dala ang mga gamit ko ay nagtungo na ako sa unit ni Kuya Vincent. He gave me his key and his codes so I have the access to open his unit. Habang binubuksan ko ang Unit ni Kuya Vincent ay siyang pagbukas ng kabilang unit. Napatingin ako sa boses ng babae dahil sobrang tinis. Bigla akong nakaramdam ng inis.
Bumaling ako sa kanila at duon ko nakita si Tom kasama ang isang babaeng hindi ko kilala. Hinalikan pa siya ng babae kaya napataas ako ng kilay. Two years have been passed and yet he still didn't change at all. Mabilis na naglakad palayo ang babae kaya napailing ako. I shifted my attention on the door to open it when I felt his presence beside me.
"Hey Miss? New owner of that unit?" He asked in a casual tone. Is he trying to flirt with me?Didn't he recognize me?
"No. This is my cousin's unit." I diverted my gaze on him and shocked was vividly evident on his face. He looked at me intently and tried to stares on all my features. I smiled at him that made him look into my eyes.
"A-ardite?" he sounded like he saw a ghost.
"Long time no see, Tom" Napailing pa siya dahil sa aking sinabi. I even heard his murmured.
"Unbelievable." Naging mas matikas ang kanyang pangangatawan at parang mas lalo siyang tumangkad.
"So you're back?" he asked in a serious tone.
"Obvious naman." Napatango tango lang siya saka nagpaalam sa akin. "Ge. Nice to see you again," wika niya saka siya mabilis na tumalikod sa akin at walang preno prenong diniretso ang kanyang unit. I sighed before I decided to go inside.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay agad akong napahilata sa kama ni Kuya Vincent. Sabi niya sa akin na hindi na niya masyadong ginagamit ang kanyang unit pero bakit parang araw-araw namang nalilinisin? Napakabango pa ng mga bedsheet. Maayos ang lahat.
Napabangon ako sa pagkakahiga nang tumawag si Kuya Vincent. "Oh kuya?" bungad ko sa kanya.
"Pasensya na kung makalat. Hindi ko na talaga masyadong nagagamit yan." Bahagya akong natawa dahil sa kanyang sinabi. Seryoso ba siya sa sinabi niya?
BINABASA MO ANG
Taming The Irascible Damsel(Completed)
Teen FictionTaming this girl is difficult, capturing her heart is challenging, and desiring her is unattainable. But I will not give up on her. I'll show her that we can be. That I am capable of changing myself for her. That I'm good to her. That I'm willing to...