"Hello Ardite!" She stared at me for almost three seconds before saying something.
"Oh? Kailangan mo?" She asked me. I can feel the irritation on her voice. Nandito na naman kasi ako sa harap niya manggugulo. Pagkatapos kasi naming umalis sa probinsya ay hindi ko na siya muling nakita. Kaya heto na naman ako, manggugulo sa kanya. We're already friends! Napangisi pa ako bago ako sumagot sa kanya.
"Wala naman. Gusto lang kitang makasama. Mag isa ka pa naman!" Naglalakad ako sa covered walk nang mapansin ko siya na nakaupo sa isang bench park kaya nilapitan ko na siya. Another opportunity given to me. Mukhang nakatakda talaga ang aming pagkikita.
"Hindi ko naman sinabi na samahan mo ako. Ano ako bata? Umayos ka nga!" Medyo umusog siya nang umupo ako sa kanyang tabi. Amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy.
"Saan mga kaibigan mo?"
"May nakikita ka bang kasama ko?"
"Bakit ang sungit mo?"
"Bakit ang dami mo kasing tanong?" nagsalubong ang kanyang mga kilay. Naasar na naman siguro. Mas natutuwa ako kapag nakikita ko siyang naaasar.
"Ayaw mo?"
"Just shut up! I want peace."
"I want peace too."
"So?" umikot ang eyeballs niya saka nag iwas ng tingin.
"Asan yung Boyfriend mo? Bakit di mo kasama?"
"Baka graduating," saad niya saka ngumisi sa akin.
"Baka wala naman kasi." Ako naman ang ngumisi sa kanya. Naalala ko kasi ang nangyari sa probinsya. Wala naman palang boyfriend eh. So, sino yung Vincent na yun?
"Sino yung Vincent na yun?" seryoso kong tanong saka tumitig sa napakaganda niyang mga mata. Nabigla siya sa tanong ko pero mabilis din na bumalik sa normal niyang expression.
"Boyfriend ko nga!"
"Hindi ka na high school para diyan sa panggapan na yan," saad ko. Nahuli ko na siya sa probinsya na nagpapanggap lang siya na boyfriend niya ang lalaking iyon kahit na ang totoo ay hindi naman talaga.
"Pakealam mo kasi? O eh ano sayo kung hindi ko siya boyfriend?" Napangiti tuloy ako sa sinabi niya pero mabilis din itong nawala nang maalala ko ang minsang pagpunta niya sa condo ni Vincent. Anong meron? Did they have sex? Siya ba yung sex partner niya? Akala ko ba galit siya sa mga katulad kong mapaglaro sa mga babae,Mga turing sa babae ay laruan.
Hindi ko na yun kasalanan, sila na ang nagbibigay ng sarili nila sa akin. Tatanggihan ko pa ba yun? Pero tatanggi naman talaga ako kapag wala ako sa wisyo, kapag wala ako sa trip.
"O di parehas tayong single," saka ko nilapit ang mukha ko pero hindi siya natinag. Nilabanan niya lang ang aking titig. "Pero bakit ka nga pala pumunta sa condo niya?"
BINABASA MO ANG
Taming The Irascible Damsel(Completed)
Genç KurguTaming this girl is difficult, capturing her heart is challenging, and desiring her is unattainable. But I will not give up on her. I'll show her that we can be. That I am capable of changing myself for her. That I'm good to her. That I'm willing to...