"Are you sure na pupunta tayo? Ardi, isang club yung pupuntahan natin. Expected na wild ang tao duon." Napairap pa si Shen sa aking tabi kaya hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. Kanina pa nagtatalo ang puso at isip ko kung pupunta ba ako sa sinasabing lugar n Lorez. Bihis na bihis na kami ni Shen at kulang na lang ang aming pag-alis.
"Club yun sis, club." pang uulit ni Shen saka niya chineck ang oras. It's already 8 in the evening.
"Yeah! Let's go. Saglit lang tayo duon." Napatingin siya sa hawak kong regalo na ibibigay ko kay Lorez.
"Sis, hindi children party ang pupuntahan natin. Bakit may pa regalo kapa? Ano ba yan?" pang uusig niya. Napailing lang ako.
"Relo lang. Ano ba!" saad ko nang kunin niya ito.
"Tara na nga," pagyayaya niya. Yung sasakyan niya ang gagamitin namin. Ilang minuto lang ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa club na sinabi ni Lorez. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para pumunta dito.
"Sis, yung puso mo. Ingatan mo." Napairap lang ako sa sinabi ni Shen bago kami pumasok sa loob. Chineck pa ang Id namin bago kami tuluyang nakapasok sa loob.Agad na bumungad sa amin ang dim lights at ibang disco. Ang napakaingay na musika ay bumabalot sa silid na aming kinaroroonan.
"Oy! Tara na!" Hinawakan ako ni Shen sa aking wrist bago kami nakisiksikan sa ibang mga tao. May dalawang lalaki pa ang humarang sa amin na agad namang tinarayan ni Shen kaya sila na rin ang kusang umalis. Hindi ko alam na ganito pala kalawak sa loob ng club. Kitang kita ko ang dj na siyang nag mamanage sa mga music sa loob ng club.
"Nasa side daw sila ng pool. Sa labas," saad ni Shen kaya nagpaubaya nalang ako sa kanya. Pagkarating namin sa labas, sa may pool ay agad naming nakita sina Tom at Denzel na may kasamang mga babae. Ang daming tao at sobrang ingay ng paligid.
Kanina nga sa loob ay nagkakasiyahan na at nagsisitalunan ang iba sa minix na music ng Dj. This is wild. At mukhang wala akong makikitang light drinks dito.May mga mangilan ngilan na nasa pool, ang iba ay nag memake out, halos mandiri ako sa aking nakikita.
"Are you okay?" malakas na tanong sa akin ni Shen habang tatawa tawa siya. Napatango lang ako sa kanya kaya siya napatango rin. Lalapitan palang sana namin sila Denzel nang harangan na naman kami ng panibagong mga lalaki. Tatlo silang magkakasama and I can feel that they are interested on us. Napahawak ako nang mabuti kay Shen kaya siya natawa.
"Sorry boys, just get lost!" masungit niyang wika kaya natawa lang ang mga lalaki. Ilang saglit pa ay nakaalis na rin kami sa harapan nila. Agad na napatingin sa amin sina Tom at Denzel. Ngumiti lang ako sa kanila pero tanging tango lang ang aking nakuha.
Napatingin naman sila sa hawak ko kaya agad kong sinabi na simple gift para kay Lorez. Napatango nalang sila bago nila kinuha ang kanilang iniinom. Black label.
Nilibot ko ang aking paningin at duon ko nakita si Lorez habang nakadikit sa kanya si Harley. Bahagya akong napalunok nang makita nila kami at alam kong anumang minuto ay pupunta na sila dito.
BINABASA MO ANG
Taming The Irascible Damsel(Completed)
Teen FictionTaming this girl is difficult, capturing her heart is challenging, and desiring her is unattainable. But I will not give up on her. I'll show her that we can be. That I am capable of changing myself for her. That I'm good to her. That I'm willing to...