Twelve

69 8 0
                                    


The fiesta is boring for me. Wala akong gana na nanuod ng mga laro at ibang paligsahan. Busy sila sa bahay kanina sa pagluluto kaya umalis ako duon. Wala rin akong maitutulong kung nagkataong nanatili ako ruon.


Nakita ko si Ardite na nanunuod ng basketball. Napangisi ako saka lumapit sa kanya,tumingin naman siya sa akin na nakasalubong ang kilay. She's really pretty.


"Hi miss!" bati ko sa kanya.


"Hello MISTER!" pagdidiin niya sa mister. Napangisi ako dahil sa sinabi niya pero mabilis naman siyang umirap.


"Anong handa sa inyo? Hindi kasi ako familiar sa ginagawa nila sa amin. Yung pasta lang alam ko."


"Madami."


"Kami rin madami." Tumingin siya sa akin na nagtataka saka bumaling ulit sa mga naglalaro. Wala man lang ba papantay sa kagwapuhan ko? Pinagmasdan ko ang mga naglalaro at wala naman akong makitaang magugustuham niya. Matatangkad sila, hindi nalalayo sa aking height. Magagaling silang magbasketball pero magaling din naman ako.


"May type ka diyan?" tanong ko sa kanya at tumingin siya sa akin na parang may nasabi akong hindi maganda. Ang sungit talaga.


"May boyfriend nga ako diba?" Bumuntong hininga siya saka muling tumingin sa mga naglalaro. Hindi naman magtigil ang mga tao sa pagchi-cheer sa kanilang mga pambatong grupo.


"Pwede namang magkagusto kahit may boyfriend ka." Sinabi ko yun ng hindi tumitingin sa kanya. Batid kong gumalaw ang kanyang mukha papunta sa aking gawi. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang sinamaan ako ng tingin.


"Hindi ako katulad mo." Labis na makikitaan sa kanyang boses ang pagkairita. Kaya hindi ko naiwasang mapangiti at tumingin sa kanya.


"Oy! Loyal ako sa mga nagiging girlfriend ko." Tinaas taas ko pa ang aking mga kilay at tumingin sa kanya. She rolled her eyes like I told her a big joke.


"Paano ba ang loyal sayo? Yung titikim ng iba tapos babalik pa rin sa jowa?" Mahihimigan sa boses niya ang hindi pagtiwala sa aking sinabi. Natawa ako bahagya sa sinabi niya.


"Oy! Hindi ah. Grabe ka sa akin."


"Talaga lang. Ilan na ba naging girlfriend mo? Lahat naman ata ay fling lang sayo."


"Naks! Someone is interested about me." Ngumiti ako sa kanya na labis na hindi ko ginagawa sa iba.


"Asa ka!"


"Isa lang. Si Irish." tumingin siya sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin. "Unfortunately, she'll be marrying someone else."


Hindi siya nagsalita ng ilang segundo. Huminga pa siya ng malalim bago nagsalita.


"You deserve that." Napatingin ako sa kanya na salubong ang kilay pero ngumiti lang siya. Ang harsh talaga ng bibig.


Taming The Irascible Damsel(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon