I let the strong wind blow away my loose hair.Hindi ko maayos ayos dahil sa tuwing susubukan ko ay siya namang paglakas ng hangin. Kaya hinayaan ko nalang ito.
A dull smile escaped into my lips when I looked at the sunset.
Sa tuwing tumitingin ako sa sunset ay laging siya ang aking naaalala. Naaalala ko lagi ang araw kung saan masaya kaming lumabas ng building namin at nagpasiyang magpunta sa timezone. Tandang tanda ko pa nang sabihan niya ako ng 'Mahal kita'.
Tandang tanda ko pa ang lahat.
Ang saya.
Ang kilig.
Ang tamis ng kanyang mga labi.
Ang maingat niyang paghawak sa aking kamay.
Ang kanyang mga boses na nagpapakalma sa aking sarili.
Ang sakit...
Ang sakit lang dahil alam kong mahal na mahal niya ako pero pinili kong madurog kaming dalawa. Pinili ko siyang saktan. Pinili kong tumakbo palayo sa kanya.
Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong mapahikbi nang mga oras na iyon habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukhang nasa mahimbing na pagkakatulog. Maingat ang bawat pag apak ko sa malamig na sahig habang pinupulot ang aking mga damit. Sa bawat pagdampot ko sa aking mga gamit ay siyang pagkurot ng aking dibdib.
Nang maisuot ko na ang aking mga damit ay muli akong tumingin sa kanya. Pinunasan ko ang tumakas na luha sa aking mata saka ako maingat na lumabas ng kanyang unit. Halos hindi ko makontrol ang aking sarili nang mga oras na iyon. Muntikan pa akong makasagasa dahil sa panlalabo ng aking mata. Pero maswerte lang ako nang mga oras na iyon dahil nakauwi ako ng ligtas.
It's been Two years since I decided to leave Manila.
"Ardite!" napatingin ako kay kuya Vincent na papalapit sa akin. Isa na siyang ganap na Inhinyero. Tindig niya pa lang ay siguradong mapapatingin na sa kanya ang mga kababaihan.
"Anong ginagawa mo dito? Tara na sa loob. Andito na si Mama." Tumango lang ako kay Kuya bago ako nagpasiyang sumunod sa kanya pabalik sa tinitirhan namin.
Ilang araw na rin ang lumipas simula nang makagraduate ako. At ngayon ang tanging iisipin ko nalang muna ay kung paano ko maipapasa ang board exam sa darating na October. Ilang buwan pa naman ang hihintayin ko kaya may oras pa ako para sa paghahanda.
"Hello po Tita!" Humalik ako sa pisngi ni Tita Von pagkapasok ko sa bahay nila kuya Vincent.
"So, kamusta naman, Ardi?" Ngumiti ako kay Tita dahil sa kanyang pagtanong. "Finally moved on?"
"Ma!" Natawa lang ako kay kuya Vincent dahil sa ginawa niyang pagsuway kay Tita.
"Nako Vince! Tinatanong ko lang naman yang pinsan mo. Dalawang taon na ang lumipas." Ngumiti lang ako sa kanila saka ako naupo sa couch.
Tumingin sa akin si Kuya Vincent ngunit tanging pagtango lang ang aking binigay.
"Nako Ma! Magpahinga ka nalang kaya muna?" Napailing lang si Tita Von saka siya nagsimulang umakyat paitaas.
Simula nang gabing umalis ako sa unit ni Lorez, mabilis kong kinuha ang mga gamit ko sa bahay saka ako nagtungo sa condo unit ni Kuya Vincent. Alam ko kasing pag nagising si Lorez didiretso siya sa bahay.
Mabilis ang ginawa kong pagpunta sa condo ni Kuya Vincent at mukhang hindi tamang desisyon ang aking ginawa dahil nakasalubong ko si Tom. Gulat siyang napatingin sa akin ngunit agad kong nilinaw sa kanya na nagkaroon lang ng gulo sa bahay kaya ako naglayas. Ngunit alam kong hindi niya rin ito maaalala dahil sa kanyang kalasingan.
BINABASA MO ANG
Taming The Irascible Damsel(Completed)
Fiksi RemajaTaming this girl is difficult, capturing her heart is challenging, and desiring her is unattainable. But I will not give up on her. I'll show her that we can be. That I am capable of changing myself for her. That I'm good to her. That I'm willing to...