"Okay Pre, we'll give you 2 weeks para mapasagot si Ardite." Sinamaan ko ng tingin si Tom. Hindi ko alam na seryoso sila diyan sa sinasabi nila.
"Anong two weeks?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Okay sige. Dahil kaibigan ka naman namin isang buwan nalang." Nakadekwatrong saad ni Denzel.
"Isang buwan?"
"Takte naman!" si Denzel. "Magrereklamo pa!" Umayos siya ng upo saka tumingin sa akin na nakangisi.
"O sige hanggang matapos ang taong ito. November na next week so may dalawang buwan ka para mapasagot si Ardite."
"Dalawang buwan? Ang tagal naman ata Tom!" reklamo ni Denzel. Saka siya lumipat ng upuan.
"'Wag kang mabahala dude. Hindi siya sasagutin yan."
"Pag tayo natalo."
"Hindi nga tayo matatalo."
"Talaga kasi may boyfriend siya," singit ko sa kanila.
"What?" Nanlaki ang kanilang mga mata saka sila nagkatinginang dalawa.
"Gago! Walang boyfriend si Ardite," mahinahong saad ni Tom.
"Meron nga. Sinabi niya sa akin." saad ko at nagkatinginan na naman sila. Ang kanilang mga titig ay tila may ibang sinasabi.
"Gago pre. Sino naman sana si Gabriel Falcon? Eh hindi ko na sila nakikitang nagsasama." Sino na naman yun?
"Gago! Single si Ardite."
"Yung Hidalgo. Boyfriend niya raw yun." Nagkatinginan ulit ang dalawa saka muling tumingin sa akin. Napapadalas ang patinginan nila. May kung ano ba silang nakain at ganito sila umasta?
"Sure ka ba?" seryosong tanong ni Tom. Pinagmasdan ko muna siya ng ilang segundo bago ko sinagot ang kanyang tanong.
"Sure ako."
"Tanga!" Napahawak naman ako sa aking ulo dahil sa ginawa ni Denzel. Pakshet! Sinamaan ko siya ng tingin saka ko rin siya sinapak. Lintik lang ang walang ganti!
"Eh tanga ka pre!" Naguluhan naman ako sa sinabi ni Denzel.
"Bakit?"
"Bahala ka! Sinabi niya na boyfriend niya si Vincent?" Hindi pa rin talaga sila makapaniwala sa aking sinabi.
"Oo nga." Napatitig naman sa akin si Tom na parang kinikilatis kung nagsasabi ba ako ng totoo.
BINABASA MO ANG
Taming The Irascible Damsel(Completed)
Teen FictionTaming this girl is difficult, capturing her heart is challenging, and desiring her is unattainable. But I will not give up on her. I'll show her that we can be. That I am capable of changing myself for her. That I'm good to her. That I'm willing to...