The rest of the days of November became hectic to us. We did a lot of things.Finals na rin kasi namin. Pagkalabas namin ng classroom ay agad na sumigaw si Denzel.
"Yes! Semestral break is waving!" malakas na sigaw niya sa hallway. Binatukan namin siya ni Tom dahil masyado siyang papansin. Natawa lang ang ibang babae dahil sa inasta niya.
Tumingin ako kay Ardite na napatingin din sa akin. Nagkibit balikat ako sa kanya at iniwasang mapangiti.
"Anong plano natin?" tanong ni Tom pero na kay Ardite pa rin ang tingin ko. Nauna silang naglalakad sa amin kaya kitang kita ko ang bawat galaw nito. Hindi ko naiwasang mapangiti nang matawa siya sa sinabi ng kanyang kaibigan.
"Tangina naman Lorez! You're not listening to us. Puro ka titig diyan sa bebe mo!" sinamaan ko ng tingin si Denzel.
"Ulol!"
"Ulol ka rin!" saad niya saka lumayo sa akin nang akma ko siyang sasapakin.
"Ang sabi namin, saan tayo ngayon? Five pm na oh, may mga bukas na siguro."
"Hindi ako sasama." Nahinto sila sa paglalakad saka tumingin sa akin.
"Ang Kj pre. Masyadong under kay Ardite!"
"Gago!" mura ko saka naunang naglakad. Sinundan ko si Ardite at saktong sa parking area rin ang punta niya.
"Hey!" I tried to get her attention. Hindi naman ako nasawi dahil tumingin siya sa akin. Nagtaas siya ng kilay sa akin, nagtatanong ang mga mata dahil sa pagtawag ko sa kanya.
"Uuwi ka na?" tanong ko sa kanya.
"Sana," simple niyang saad. These past few days ay nabawasan na ang pagiging masungit niya sa akin. Hindi ko alam kung good sign ba 'yon o ano.
"Tara kain muna. My treat," wika ko.
"Saan?"
"Jollibee ulit kung gusto mo." Tumitig muna siya sa akin bago sumagot.
"Sige," simple niyang sagot. Habang nasa biyahe kami ay hindi ko mapigilang kamustahin ang araw niya.
"Kamusta ang araw mo?"
"Okay lang, medyo sumakit lang ang ulo ko sa Exam sa Accounting."
"Same, ang daming problems. Pero kaya naman."
Ako ulit ang umorder ng pagkain namin at diresto siya agad sa taas. Punuan kasi sa baba kaya sa taas na siya naghanap ng table namin.
"Hi Sir! Good afternoon po! Ano pong sa inyo?" I can barely see the amazement on her face. Obviusly, I can feel it that she likes me. I just told her my order.
BINABASA MO ANG
Taming The Irascible Damsel(Completed)
Genç KurguTaming this girl is difficult, capturing her heart is challenging, and desiring her is unattainable. But I will not give up on her. I'll show her that we can be. That I am capable of changing myself for her. That I'm good to her. That I'm willing to...