Buong maghapon na hindi namin nakita sina Jem. Maybe they are enjoying the beach. Napatingin ako kay Lorez na busy sa paglalaro sa online game sa kanyang cellphone. Medyo naguilty ako dahil sa hindi niya pagsama. He is probably enjoying the beach with his friends right now, if he left me here alone.
Nagtungo ako sa balkonahe para makakuha ng sariwang hangin at hindi nga ako nagkamali dahil agad na tumama sa akin ang malamig na hangin.Kitang kita ko sa aking pwesto ang mga taong masayang naghahabulan sa buhangin habang ang iba ay maligayang nakatampisaw sa tubig alat. May mga grupo din na kaedad namin ang naglalaro ng beach volleyball. Sila Shen kaya? Nasa kabilang isla pa rin ba?
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa tanawin. Hindi ko maipagkakailang napakarelaxing ng view. Isabay pa ang mga tuwa at galak na makikita sa mga mukha ng bawat taong aking nakikita.
Hindi ko itatanggi na mas gugustuhin ko pang manatili sa loob ng hotel kaysa sa labas.Pero kapag sumapit na ang dapit hapon doon ako nagpapasiyang lumabas para maglakad lakad sa dalampasigan. Manunuod ng sunset, pagmamasdan ang mga alon at hihintaying sumapit ang dilim.
Natigil ako sa panunuod sa mga taong may kanya kanyang ginagawa nang maramdaman ko ang kamay ni Lorez sa aking bewang. Naramdaman ko ang tungki ng kanyang ilong sa aking leeg at halos manginig ang katawan ko nang magsalita siya.
"Ayaw mong lumabas?" It's already 4:30 in the afternoon. Halos buong araw kaming nandito ni Lorez. I can feel it that he's not enjoying it. I took a deep breathe before I manage to gave him a response.
"Okay, labas tayo." Humarap ako sa kanya at mabilis naman niya akong binigyan nang matamis na ngiti.
"Nababagot ka na no?" tanong ko sa kanya habang palabas kami ng room. Inakbayan naman niya ako saka niya ako kinurot sa aking pisngi.
"Bakit naman ako mababagot kung ikaw ang kasama ko? Kahit pa buong araw tayong magkulong sa kwarto,okay lang sa akin. Hindi ako mababagot." Nahimigan ko ang pagiging pilyo niya sa kanyang sinabi. I rolled my eyes and immediately removed his hand on my shoulder.
Naglakad lakad lang kami sa gilid ng dalampasigan habang hawak ni Lorez ang kaliwa kong kamay. Hindi na namin kailangang magsalita pa para libangin namin ang isa't isa. Sa ganitong paraan palang ay kuntento na ako. Idagdag pa ang napakaaliwalas na kalangitan at napakagandang tanawing aming kinaroroonan.
Nang medyo makalayo layo na kami sa maraming tao ay nagpasiya kaming umupo sa isang bakanteng upuan na gawa sa isang matibay na kahoy. Maayos ang pagkakagawa at talagang dinesenyo ito para sa mga turista. Napangiti ako dahil sa nakahilerang mga upuan na maaring umupo ang dalawa o tatlong tao.
Umupo kami duon habang nakaharap sa napakapayapang dagat. Rinig na rinig namin ang hampas ng halon.
Hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak sa aking kamay si Lorez kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
"Hindi ka pa nangangalay?" tanong ko sa kanya. I turned my gaze to him and there I met his mesmerizing eyes. He shook his head and gently gave me a peck kiss on my cheek.
BINABASA MO ANG
Taming The Irascible Damsel(Completed)
Teen FictionTaming this girl is difficult, capturing her heart is challenging, and desiring her is unattainable. But I will not give up on her. I'll show her that we can be. That I am capable of changing myself for her. That I'm good to her. That I'm willing to...