Nagising ako nang maramdaman kong wala na sa aking tabi si Ardite. Agad akong napabangon at mabilis na sinuot ang aking damit. Hindi ko na nagawang maligo pa dahil sa kabang bumabalot ngayon sa aking sistema. Napatingin ako sa aking wallclock at pasado alas otso na ng umaga. Paglabas ko ng aking kwarto ay umaasa ako na makikita ko siya sa kitchen na nagluluto pero wala akong nakitang Ardi sa loob ng Unit ko.
I called her number but she's out of coverage. Hindi ko siya macontact kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya sa kanilang bahay. At habang tinatahak ko ang daan patungo sa kanila ay samu't saring kaisipan ang gumugulo sa aking sistema. Ayoko mang isipin ngunit nakukutuban ko na ang balak mangyari ni Ardite. Our conversation last night tells everything that she's really willing to give up our relationship. And I can't accept that thing.
As I reached their house,I immediately went outside my car to check her if she's still there, if she's still in their house. Sinabihan ako ng guard nila na umalis si Ardite kaninang madaling araw dala-dala ang kanyang mga gamit. Hindi sinabi sa akin ng Guard kung saan siya nagpunta so I worriedly called her friends but still I didn't get any answer. They even told me that they don't know what's going on about us.
I searched for her I used all my connections but I didn't see her...
She slipped away and It hurts that I lost her.
Araw-araw akong hindi tumigil sa paghahanap ngunit napuntahan ko na ang lahat ng lugar na pwede niyang puntahan but still I didn't see her not even her silhouette. I spent the rest of my vacation days on finding her but all my efforts are all useless. Hindi ko siya nakita at walang sinuman ang nakapagsabi sa akin kung nasaan ang babaeng pinakamamahal ko.
"I'm sorry,dude. Sa tingin ko nakita ko si Ardite nang sandaling pumunta siya sa unit ng pinsan niya. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako dahil sa kalasingan pero hindi eh, Parang nakita ko talaga siya." Sa sinabi ni Tom ay nabigyan ko siya ng isang malakas ng suntok. Hanggang sa magsakitan na kaming dalawa.Bakit ngayon niya lang sinabi? Denzel stopped us and he even yelled on us.
"Gago! Puta mga pre! Ano yan?" He glared on us then he shook his head. "We're helping you here Lorez, huwag ka namang gago! Alam namin kung gaano mo kamahal si Ardite kaya nga tinutulungan ka namin."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Denzel. Matapos ang sakitang ginawa namin ni Tom ay agad akong umalis at nagtungo sa pinsan niya ngunit ilang beses ko siyang pinilit na sabihin kung nasaan si Ardite pero wala siyang binigay ni isang clue kung saan ko siya mahahanap.
Tila naglalaro kami ng hide and seek. Hindi ko makita ang hinahanap ko dahil ayaw nang magpakita pa.
Even her friends are clueless about her but I didn't stop on searching her. I even went to Nueva Ecija just to check if she's there... ngunit sa kasamaang palad hindi ko siya nakita duon.
"Mr.Romenzo,what's happening to you? Kung hindi mo aayusin ang buhay mo mada-drop ka na sa klase ko!" I swallowed so hard because of what our professor said. Ilang araw akong absent at ito ang bumungad sa akin.
"Pre, Kailangan mo munang mag focus sa pag aaral natin. Tatlong buwan ng wala si Ardite at hindi natin alam kung saang lupalop siya ng Pilipinas nagtatago. Look, even her friends...wala silang kaalam alam kung nasaan ang kaibigan nila." Hindi ako umimik sa sinabi ni Tom.
BINABASA MO ANG
Taming The Irascible Damsel(Completed)
JugendliteraturTaming this girl is difficult, capturing her heart is challenging, and desiring her is unattainable. But I will not give up on her. I'll show her that we can be. That I am capable of changing myself for her. That I'm good to her. That I'm willing to...