Eight

94 14 0
                                    

"Hey! You're alone?" Tumingin siya sa akin ngunit hindi man lang nagbago ang kanyang emosyon.Agad akong umupo sa harapan niya.She's eating pasta.


"May nakita ka bang kasama ko? Wala diba? Kaya mag-isa ako." Napailing ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero ang ganda parin ng boses niya kahit na nagsusungit siya.


"Sabi ko nga." Patuloy lang siya sa pagkain. Ayaw niya talaga ng naiistorbo. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya pero hindi ko pinapahalata, ayokong masabihan na kinakabisado ko na naman ang kanyang mukha. Kahit parang ganuon na nga ang dating.


"Ano next class natin?"


"Wala."


"Wala?"


"Wala kako diba?" tumingin siya sa akin. "O di wala. Pag sinabing wala, wala!" nabeastmode ko na naman yata siya. Kailan ko ba siya makakausap na hindi nangbabara o nagsusungit?


 "Schedule ng klase mo, Hindi mo alam?" Makikitaan sa boses niya ang pagkasarcastic. In born na siguro yun sa kanya.

"Sorry na agad." Ngumiti ako sa kanya pero nagpatuloy na ulit siya sa kanyang pagkain. Halos sabay lang kaming natapos kaya napangiti ako.


"Sa'n punta mo?" tinanong ko siya habang palabas kami ng cafeteria. Napatingin ako sa mga estudyante na nagkalat. May kanya kanyang ginagawa at pinagkakaabalahan.


"Sa langit, sasama ka?" Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa sinagot niya. Bago ata yun sa kanya?


"As in heaven?" Ngumisi ako sa kanya dahil sa tanong ko.


"No! As in Hell!" saad niya saka umirap. Madami kaming nadaanan na ibang estudyante pero hindi namin sila pinansin.Ang iba ay napatingin sa amin pero hindi ko lang sila pinansin. Ganuon din naman si Ardite. Marahil karamihan sa kanila ay nagtataka dahil magkasama na naman kami ngayon ni Ardite.


"Pwede sumama?" pagbibiro ko sa kanya.


"Asa ka. Hindi ka makakapasok sa langit kaya sa impyerno ka." Natawa ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.


"Supalpal ako duon ah" bulong ko at hindi niya iyon narinig dahil diretso pa rin siya sa paglalakad. Umakyat kami sa second floor. Anong gagawin niya dito?


"Ardite?" Hindi niya ako pinansin sa ginawa kong pagtawag sa kanya.


"Ardite Radwell." Hindi pa rin siya kumibo. Nagpapahard to get ka na naman ba?


"Radwell, Ardite" tinawag ko siya sa paraang pagtawag ng mga prof kapag nagche-check ng attendance.


"Ano?" medyo naiinis na siya kaya napangiti ako. Umakyat na naman kami sa thirdfloor at mukhang papunta pa kami sa fourth floor.


"Ardite,san ba punta mo?"


"Sumama ka para malaman mo." Bago yun ah. Niyayaya niya na ako. Improving.

Taming The Irascible Damsel(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon