Forty One

68 1 0
                                    


Ilang araw ang lumipas at tuluyan nang nagising si Tito sa pagkakacoma. I can't explain the happiness that I saw on Lorez' face. Maging ako ay hindi ko napigilan na maluha dahil sa nakita ko. Lorez is gently hugging his Dad. I can really see the closeness in their actions. Labis na tuwa ang naramdaman ni Lorez bagaman hindi pa gaanong maayos si Tito. Hirap kasi siyang igalaw ang kanyang katawan, maging ang pagsalita ay hindi niya magawa.


Halos two weeks na nakacomatose si Tito. And we're thankful that he already woke up. May mga cases kasi na umaabot ng buwan at taon. Yung iba wala nang pag-asa pang magising at tanging machines nalang ang bumubuhay. Luckily, Lorez' dad made it.


Lumabas kami ni Lorez nang sabihan kami ng mayordoma nila Lorez na siya muna ang magbabantay kay Tito. Hindi naman na umangal pa si Lorez dahil nagising na ang Papa niya. Tito is now taking a rest again. He still needs to get monitored. Kanina lang ay chineck ulit ang vital signs niya at blood pressure.


Kumain kami sa labas ng hospital at hindi ko mapigilang mapangiti nang makakain muli si Lorez ng sapat. These past few days, wala talagang maayos na kain si Lorez. Natigilan siya sa pagkain nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. He stared back at me and gave me a confuse look.


"What's with your stares,baby?" I shook my head and gave him an authentic smile.


"I'm glad that you're back," I said in a low voice. He looked at me perplexedly. Maybe he didn't get what I mean. 


"Hindi naman ako umalis," saad niya na mas lalong nagpangiti sa akin.


"Oo na! Basta kumain ka na. Sa ngayon, uuwi muna tayo para makapagpalit ng damit. Kailangan ko na ulit maligo."


Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa condo niya para maligo. At tila bumalik na naman ang pagkapilyo ni Lorez. Gusto niya kasing sumabay sa akin sa pagligo para raw makatipid ng tubig. Pero hindi iyon umubra sa akin. Alam na alam ko na ang galawan niya.


Pagkatapos naming maligo ay nagpasiya muna kaming magpahinga. Yakap yakap ako ni Lorez habang nakahiga kami sa malambot niyang kama.I can barely feel his hot breath in my neck. At labis akong hindi mapalagay sa tuwing dumidikit ang labi ni Lorez sa aking leeg.


"I Love you," he whispered in the side of my ears. I can't stop myself from smiling.


"Mahal din kita."


Humigpit ang yakap niya sa akin at mas lalo niyang ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg. Nanatiling ganuon ang aming pwesto hanggang sa makatulog na ako.



Akala ko paggising ko magiging maayos na ang lahat ngunit nagkamali ako dahil isang tawag ang nakapagpagising sa aking natutulog na sistema. 


Nagising kaming pareho ni Lorez at saka siya nagtatakang napatingin sa akin. Ilang segundo kong pinagmasdan ang aking cellphone bago ko ito sinagot.


Nag aalanganin pa akong sagutin ang tawag. I just answered it when Lorez held my hand. I breathed heavily before I utter a word.

Taming The Irascible Damsel(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon