Armira's POV
“Tama kayo ng pinuntahan.”
Dahil sa sinabi ko ay nanlaki ang mga mata nila, para bang yun ang pinakamagaling kong biro pero hindi ako umimik at nakangisi pa din. Tumalikod ako sa kanila at pumasok sa loob para kunin ang kwintas. Nakalapag pa din ito sa kama. Mapait akong napangiti dahil alam ko ang susunod na mangyari. Kinuha ko ito at lumabas. Tinaas ko ang kwintas at gulat silang napatitig sakin.
“Mira, anong ibig sabihin nito?!” Yuro yells at me at aaminin ko nakakatakot ang tingin niya, para niya akong pinapatay ng dahan dahan. “Ipaliwanag mo samin kung bakit nasayo yan!” Ngayon si Tita naman ang sumigaw. “Doon kayo magtanong kay Grace..” Lumipat ang tingin nila kay Grace sa dahil siya lang naman ang may alam sa nangyari eh.
She knew right away that I took the blame for Lolo. Lumapit ako sa mga kawal at hinagis ang kwintas sa isa pang kawal, nasalo niya naman iyon at nilagay sa kanyang bag. Right away I saw the handcuff, nilagay nila iyon sa aking kamay at marahas akong tinulak papalayo sa kanila. “San nyo siya dadalhin?! Bring her back here, right now!!” Yuro's voice boomed making the soldiers quiver in fear.
“We're sorry our Alpha but the Queen's orders are absolute.”
“And the Alpha's order is absolute.” He said coldly that sends shivers down to everyone's spine. I saw how the soldiers bow their heads, they're facing the Alpha after all and you wouldn't want to face the devil in him. That would want you to be wipe out from the face of the earth and wished not to be reborn again.
Malapit ng mag anyong lobo si Yuro dahil tumutubo na ang mga itim nitong balahibo. Napapikit ako at kinuyom ang aking kamao. “Enough Yuro!” Nagulat sila sa biglaang pagsigaw ko lalong lalo na si Yuro na nanlaki ang mata. Hindi ko pa siya nasigawan kahit kailan, ngayon lang talaga. “Let them take me there. Magiging okay lang ako.” Sabi ko at ngumiti sa kanila.
“M-Mira no..” Grace pleaded but I shook my head and face the soldiers. “Tara na.” Malamig kong sabi sa kanila at bago ako tuluyang tumalikod, Yuro mouthed at me something. I'll take you back soon. That's what he said at tumango ako at ningitian sila bago tumalikod. Narinig ko ang mga sigaw nila habang kami ay papalayo sa kanila at sinakay ako sa karwahe.
Bumuntong hininga ako nang tuluyang tumakbo ang kabayo. Napatitig ako sa bintana, ngayon na tatapak na ako sa palasyo hindi ko alam kung anong gagawin. Dapat hindi nila makitang natatakot ako sa kanila dahil mas lalong gaganahan silang patayin ako. Hindi ko hahayaan yun dahil marami pa akong katanungan sa aking isipan. Si Maximo, sino ba siya? Dahil sa kanya nag iba ang anyo ko.
Malalim ang gabi, malamig at maingay ang paligid. Malapit na ata kami sa palasyo dahil wala ng bahay, nasa tulay na kami. Nilabas ko ang aking ulo sa bintana at nakita ang napakalaking gintong bakal na gate. Bumukas ito ng palapit na kami at pagpasok namin ay mas namangha ako. Noon tinatanaw ko lang ang palasyo sa malayo, ngayon ay nalapitan ko na at napasukan pa.
May bilog na fountain sa sentro, napapaligiran ng berdeng maliliit na pine tree. Puno ng makukulay na bulaklak ang paligid, may mga palamuti at iba pa. Hindi ko maipaliwanag basta isa lang ang nasa isip ko, parang nasa isang paraiso ako. Umikot ang karwahe sa fountain at huminto kami sa entrance. Binuksan ng kawal ang pinto ng karwahe at marahas akong hinila pababa, muntik ng masubsob ang mukha ko sa lupa kaya binigyan ko ng samang tingin ang kawal.
Pagbukas ng pinto ay may namangha ako. Unang sumalubong sakin ay ang malaking aranya sa itaas ng kisame. Binaba ko ang tingin ko sa mga larawan na nakakakabit sa pader, mga larawan ng magkapatid na Feros. Una ay si Prinsipe Darwin Feros, ang bunso sa magkakapatid. Sumunod si Prinsesa Yna Kreitz Feros and pangalawa at ang pang huli ay si Prinsepe Kevin Alec Feros ang panganay. Pano ko nalaman ang pangalan nila? Nasa ibaba ng larawan nakaukit eh.
YOU ARE READING
The Hybrid
Fantasy"Reap me with your finest bloodlust and vengeance." {COMPLETED STORY} Start: May 1, 2020 End: Sep 7, 2020 Credits to the picture owner..