Armira's POV
Kinagabihan, natapos na ang pag eensayo namin at natalo ko ang lalakeng hambog na yun. And his reaction was priceless to be honest.
“Tama na yan Keifer! Hindi mo kilala ang babaeng yan!” Sigaw ng kanyang kaibigan na lalake. Bumaling yung hambog sa kanya pero agad din siyang bumaling sakin. “Ba't kaba natatakot? Sige sabihin mo sakin, sino to?” Tanong niya sabay turo sakin. Nakita ko ang kapwa kong lobo na nakayuko sakin kaya nagtaka siya.
“Pre, ang babaeng yan ang Beta ng mga Werewolves.” Sagot ng kanyang kaibigan. Nanlaki ang kanyang mata. Taas noo ko siyang tinitigan, ngayon na nalaman na niya ay alam kong hihingi ito ng patawad. “Wag kang magbiro! Itong babaeng to ang Beta? Nagpapatawa kaba Haide?” Sabi niya at humalakhak na para bang nababaliw na siya. Ano bang tinuro ng kanyang mga magulang para siya'y maging hambog?
“Nakita mo kung anong ginawa niya sayo diba?! Ang Beta lang ang may abilidad na magpatalsik ng ibang tao!” Sigaw ng kayang kaibigan. Bumulong bulong ang mga estudyante sa paligid. Pansin ko din na parang gusto nang pumagitna ni Cayden para ako'y protektahan.
Tila bumalik sa kanya lahat ng nangyari kanina. Mas lalong nanlaki ang kanyang mata at kitang kita ang kunting panginginig ng kanyang katawan. Hambog pala ah? Takot lang din pala sakin. Dahan dahan siyang yumuko at lumuhod sakin. “P-P-Paumanhin aming Beta!”
Tsk. Wala talagang patutunguhan ang pagiging hambog sa buhay. Napaupo ako sa sofa at bumuntong hininga, I'm so tired and hungry right now. Narinig ko ang mahinang tawa ni Clara sa kusina. “Ang buntong hininga na yan, alam ko yan eh. Gutom ka no?” Tanong niya.
“Kanina pa!”
“Sige jan ka lang, antay mo tong lulutuin ko ha?
“Okay.”
Tumayo ako at lumakad sa kusina para tunghayan si Clara na magluto kasi wala akong magagawa kapag titigan ko lang ang kisame eh.
“Clara.”
“Yes Meir?”
“Handa kana ba?”
“Handa sa saan?”
“Sa digmaan na mangyayari?” Tanong ko dahilan para napatigil siya sa paghiwa ng sibuyas. Kasi kung ako ang tatanungin, hindi eh. Tanda ko pa noon na ang gagawin ko lang naman dito ay mag aral at bantayan ang mga kapatid ni Kevin ngunit naging mas malala ang tungkulin na gagawin ko, lalo na si Kuya. Bumuntong hininga siya tsaka humarap sakin.
“Sa totoo lang Meir, kagaya ng iba ay hindi rin ako handa. Takot ako sa mga posibleng mangyari satin at sa buong Daminus ngunit ano paba ang magagawa natin kundi magpakatatag?” Sagot niya at bumalik sa paghiwa ng sibuyas. Pinatong ko ang aking chin sa aking palad at nilakbay ang isipan ko sa mga Half hybrids.
Naipaliwanag nila sakin na hindi gaano kalakas ang mga half hybrids kumpara samin ni Kuya ngunit mas lamang sila kumpara sa mga Purebloods, ni Yuro at ng iba pa. Sigurado akong marami kaming kakampi na tutulong samin upang wakasan ang digmaan na mangyayari bukas.
Kinakabahan din ako sa katotohanan na malalaman na ng lahat kung ano ako. Tulad ng iba ay kakatakutan din nila ako at kakamuhian ako ng lalakeng mahal ko. Ngumiti ako ng mapakla, he'll definitely try to kill me. I just know that. Nakatulala lang ako kaya hindi ko napansin na nakatitig pala si Clara sakin. Ilang minuto ang dumaan at natapos na si Clara sa pagluto.
Nilapag niya ang adobong niluto niya at agad namin yun nilantakan. Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan habang si Clara ay dumiretso sa banyo. Nagsipilyo ako pagkatapos at lumakad papunta sa sofa para hintaying matapos si Clara. Nang matapos na siya ay ako ang sumunod sa kanya. Pagpasok ko ay napatingin ako sa sarili kong repleksyon.
YOU ARE READING
The Hybrid
خيال (فانتازيا)"Reap me with your finest bloodlust and vengeance." {COMPLETED STORY} Start: May 1, 2020 End: Sep 7, 2020 Credits to the picture owner..