Chapter 33

116 6 0
                                    

Armira's POV

“Tangina! Kailangan na nating umalis dito!” Bulalas ni Papa at kinarga ako sa bisig niya habang si Mama ay nagpapanic. Si Kuya naman ay nakakuyom ang kamao.

“Lalaban tayo Ama! They can't just--”

“Makinig ka samin Maximo, hindi na tauhan ng palasyo ang naghahabol satin kundi mga Rouges at Scalawags kaya kailangan na nating umalis dito!” Hinila ni Papa si Kuya palabas ng kubo habang si Mama ay sumunod. They ran to the deepest part of the forest, nakarinig ako ng mahinang paghikbi ni Mama. She's shaking in fear pero pinipilit niyang maging malakas para samin.

“Wag kayong lilingon kung may nararamdaman kayo.” Utos ni Mama. Napatingin ako sa itsura ng maliit kong bersyon. Napakainosente ko tignan tsaka wala akong ideya sa nangyayari samin. “Papa bakit tayo tumatakbo?” Takang tanong ko pero hindi siya sumagot dahilan para ngumuso ako.

“They did everything para isalba ang sarili nila Reina. Gustong lumaban ng pamilya mo ngunit nagdadalawang isip sila dahil baka masali kayo sa gulo. Simula noong nagtalik ang mga magulang mo, wala na silang ibang ginawa kundi tumakbo at takbo.” Paliwanag ni Kevin at humalukipkip. Pabigat ng pabigat ang mga binibitawan kong hininga habang sila'y unti unting napapagod.

“Ganito din ang mangyayari samin ni Cayden, Kevin. N-Natatakot ako.” I could picture ourselves running in fear of death, yung habang buhay nalang kaming tatakbo para mabuhay.

“Parang ganon nga Reina. Rest assured that I'll do anything to protect you both dahil sa ako naman ang susunod sa yapak ng Ama ko sa hinaharap.” Binigyan ko siya ng pilit na ngiti, hindi yata sapat ang thank you ko para masuklian ang kabutihan niya. Naglandas ang luha ko, hindi dahil sa tuwa kundi sa takot. Hanggang kailan niya kami poprotektahan kung nasa tabi niya ang mga magulang niyang kinamumuhian ang uri namin? Ang malas talaga.

Ilang oras na pagtatakbo ay nakarating sila sa pusod ng kagubatan na hindi ko pa nakita noon. Napalingon kami sabay ni Kevin nang makakita kami ng pula at gintong mata.

“Shit! They're here.” Mura ni Papa at hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Doon na nagbago ang itsura ng mukha ko at parang ilang segundo nalang ay iiyak na ako. “P-Papa, sino sila? Nakakatakot sila Papa.” Bulong ko sa kanya, pinatahan ako ni Papa

“Would you look at that, a baby boy and a girl. Naging masaya ba ang buhay sa gubat Charles?” Ngumisi ang lider ng mga Rouges, inabot ako ni Papa kay Mama at hinarap ang lalake. “Wag na wag ninyong galawin ang pamilya ko Eros.” Tagis bagang ni Papa, akala ko magagalit ang lalake pero hindi. Humalakhak siya na para bang wala na siya sa katinuan niya.

“Taksil ka Charles, nagtaksil ka at dahil sa katangahan mo, nagbunga ng aswang ang pagmamahal--”

“Hindi kami aswang!” Ngayon si Kuya naman ang humarap sa lider. Nakakuyom ang kamao ni Kuya, yung itsura niya ay gigil na gigil upang pabagsakin ang lalakeng nasa harap niya.

“Hindi nga ba? Tignan mo ang itsura mo bata. Ibang iba ka samin.” Lumapit ang lider ng mga Scalawags. Wala itong emosyon sa mukha.

“Tama ang anak ko, kahit iba sila ay--”

“Manahimik ka Mavise!” Sigaw niya. Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng lalamunan ni Mama. She's really scared, I wanna step and crush those leaders for making my parents shake in fear.

“T-Tama na po, wag ninyo sigawan ang Mama ko.” Naglandas muli ang luha ko, nanginginig ako sa galit. Gusto kong sumigaw kasi nang dahil sa kanila ay nakikita ko ang maliit kong bersyon na natatakot at naluluha.

“Magandang bata ang Anak mo Mavise.” Akmang hahaplusin ako ng lider ng Scalawags nang pumagitna si Kuya at ginamit ang kanyang abilidad upang hindi siya makagalaw. Umangat ang isang sulok ng kanyang labi.

The HybridWhere stories live. Discover now