Chapter 35

128 8 1
                                    

Third Person's POV

Dalawang araw ang nakalipas nang malaman ni Meir ang tungkol sa nakaraan niya at ngayon niya lang naisipang lumabas at pumasok para nabulok na  sa kwarto niya. At those days, nagmukmok lang siya at nakatulala sa kawalan. Nahirapan din si Clara dahil hindi siya nag open up sa problema niya pero naintindihan niya naman kung personal na problema.

At those days, palaging binibisita ni Cayden si Meir sa dorm niya ng palihim and cheered her up. Ginawa niya ang lahat para mapasaya siya, he makes corny jokes, he makes sweet gestures to her and most of all, he gives her forehead kisses na siyang nakakapagbilis ng tibok ng puso niya at feeling niya mababaliw siya. Palagi niya kasi hinahanap hanap ang presensya niya eh.

“Huy! Tulala kana naman Meir.”

“Sorry.”

Nandito sila ngayon sa combat room. Sabi ng propesor kailangan nila ng weapon. Hindi dapat sila umaasa palagi sa kanilang mga abilities when it comes to dangerous situations, abilities should be stored first. Pinili ni Meir ang Iron sword, ang isa sa mga matitibay na espada ng Daminus. Kahit na may kabigatan tong espada na to ay nakaya niya naman itong gamitin ng maayos.

Iba't ibang klaseng ingay ang kanyang naririnig. May mga putok ng baril, mga nagliliparang palaso at sibat, clashing sounds of swords and more. Sandali muna siyang tumigil at kinuha ang kanyang tubig at ininom ito.

“Oh, kailangan mo to.” Lumingon siya sa likod at nakita si Clara na may inabot na burger. Teka, san siya galing nito? Tanong niya sa kanyang isipan

“Binili ko yan kanina kung magtatanong ka.”

“Binabasa mo ba isip ko?”

“Kung nababasa ko man, dapat alam ko na ang problema mo but now, halata kasi sa mukha mo eh.”

Tumawa siya ng marahan at tinanggap ang burger at umupo sa sahig. Total kanina pa si Meir nagpractice, wala naman sigurong masama kung magpahinga muna siya diba? Tumabi si Clara sa kanya at ninguya nguya ang kanyang burger. “Salamat pala nito.”

“You're welcome.”

Tinitigan niya ang mga kaklase niya. May iilan na pagod na pero nagpatuloy pa rin, merong naglalaro kahit na kailangan seryoso dapat, may mabilis, matamlay, skilled at iba pa. Bumaling siya kay Clara at sinundan ang kanyang mata. Nakatitig siya kay Kyle na nakangiti habang naglalaban silang dalawa ni Will.

Nasaan kaya siya? Kanina ko pa kasi siya hindi nakita eh. Tanong niya sa kanyang isipan sabay tingin tingin sa paligid. Mayamaya ay tumunog ang kampana at nagsilabasan sila sa combat room. Habang naglalakad sila ay sumalubong sa kanila ang dalawang Pureblood.

“Hi Honeyboo, cafeteria tayo?”

“Sure Honeyboo hihih.”

Napangiti si Meir sa dalawang magmate. Nakaramdam siya ng mga matang nakatingin sa kanya kaya bumaling siya kay Will. Nagtaka siya dahil sobrang lamig ng mga mata niya, na para bang nagbago si Will sa loob ng dalawang araw. Gustuhin niya mang magtanong ay hindi nalang niya pinansin. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang silid na yon.

Nagdadalawang isip si Meir kung pupunta siya doon. Sandali siyang bumaling sa tatlo at bumuga ng hangin. Kung hindi niya pupuntahan ay hindi matatahimik ang kanyang isip.

“Armi--” Pinutol ni Meir si Will.

“Mauna na kayo. I need to go somewhere.” She immediately left them and ran all the way to the second floor of the building. Nang nasa gitna palang siya ng hagdan ay pinikit niya ang kanyang mata at inisip na nasa loob siya ng silid na yun. Nakaramdam siya ng kunting hilo at nang mawala ito ay minulat niya muli ang kanyang mata.

The HybridWhere stories live. Discover now