Armira's POV
Bagot akong bumangon sa kama at ginulo ang aking buhok. Sobrang abala kami sa pag eensayo kahapon at madaling araw ako nakatulog dahil sa kakaisip kung paano ko ba mailalabas ang aking Phenomenon Ability nang walang nasisindak o masasaktan. I need to train that Ability para maprotektahanan ang mga taong malapit sakin.
Kinuha ko ang suklay sa maliit na mesa sa gilid ng kama ko at sinuklay ang magulo kong buhok. Tumayo ako at naghanda ng masusuot tsaka lumabas sa kwarto. Lumakad ako patungo sa kusina pero wala akong nakitang Clara, lumakbay din ako sa kwarto niya pero wala din siya. Asan kaya yun? Ang presensya niya ay nasa paligid lang ng akademya kaya baka maaga siyang nagsimula.
Pumasok ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at kumain ng pancake na nasa ref at nilagyan ng syrup. Isusubo ko na sana ang isa pang pancake nang mapatigil ako. Nag usap kami kagabi ni Cayden, specifically we parted.
Nakasandal ako sa puno ng harden matapos ang pag eensayo ko. Pinagkrus ko ang aking braso at bumuntong hininga. Ano bang dapat kong gawin? Alam kong si Kuya lang ang nakakaalam kung paano iyon palabasin. Mariin kong pinikit ang aking mata at pinakiramdaman ang paligid at inisip na humangin.
Ilang minuto ay dumampi ang malamig na hangin sa aking braso dahilan para mapayakap ako sa aking sarili. Kung ganon, konsentrasyon ang kailangan ko para magtagumpay sa paglabas ng abilidad ko. “This won't be easy though.” I mumbled under my breath. Uupo na sana ako sa lupa nang may humila sakin patayo. Kunot noo kong tinitigan ang taong nasa harap ko dahil hindi ko maaninag ang mukha niya.
“Hell yeah it won't.” My breath hitched when his familiar voice rang to my ears.
“Anong ginagawa mo dito?” Malamig kong tanong sa kanya.
“I should be the one asking you that.” He fired back. Muntik na akong mapairap, mabuti nalang pinigilan ko.
“Bumalik kana, babalik na ako sa do--”
“Walang babalik Goldie.” He grab my hand and stared me directly in my eyes. Nag aalab ang mata niya sa inis at galit and his eyebrows keeps twitching. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.
“I wanna know why you're avoiding me Goldie. Whatever the reason is, I'll listen.”
“I'm just busy, let's talk some other time.” I walk passed him, not minding the fact that I badly wanted to hug him so much and I can feel his sadness.
“Bullshit!! Why are you like this Goldie?! Alam mo ba na nasasaktan tayo?! We are both sad for who knows what your reason is!!” He yelled dahilan para matigil ako sa aking paglalakad. Kinuyom ko ang aking kamao at kumurap kurap, dahan dahan na namumuo ang luha sa aking mata kaya tumingala ako ng ilang segundo at kinalma ang aking sarili bago humarap.
“Gusto mo malaman ang rason? Sige, iniiwasan kita dahil kailangan ng matigil ang ano mang nararamdaman natin, hindi tayo pwede Cayden!!” Nanlaki ang kanyang mata. “Alam na alam mo yun simula palang na hindi tayo pwede dahil magkaiba tayo! Noon, pangarap kong mahanap ang para sakin pero nang nakilala kita at naramdaman kong ikaw na, tumalon ang puso ko sa tuwa dahil sa wakas, hindi na ako mag iisa dahil may lalake ng magmamahal sakin. Masaya na tayo oo pero...” I stopped when my voice cracked. Yumuko ako habang pinipigilan ang luha kong tumulo.
“Layuan mo si Cayden..”
“Nagising ako sa katotohanan na hanggang pangarap lang pala kita, bampira ka, lobo ako.”
No, I'm entirely different that you will hate me if you knew.. I-I'm so sorry Reid.
“Mapapahamak tayong dalawa kung ipagpatuloy natin to.” Inangat ko ang ulo ko. I saw how pained his expression was, he was like ready to hug and comfort me but he just held himself back. Nakita ko ang paglunok niya, humakbang siya palapit sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/223318585-288-k439233.jpg)
YOU ARE READING
The Hybrid
Fantasy"Reap me with your finest bloodlust and vengeance." {COMPLETED STORY} Start: May 1, 2020 End: Sep 7, 2020 Credits to the picture owner..