Armira's POV
Nasa madilim ako na kwarto, nilibot ko ang aking mata. Nasa kubo ako pero paano ako nandito? Tumayo ako at lumabas sa kwarto, halos manigas ako dahil nakita ko sina mama, papa at maliit na bersyon ko. So I'm dreaming about them? Lumapit ako, masayang kaming kumakain sa hapagkainan. I smiled as a tear fell on my cheek.
I miss them so much. Gusto bumalik sa oras na buhay pa sila pero parang imposible. Nagtawanan kami hanggang sa may narinig kaming ingay sa labas. Tumayo si Papa at lumabas. Nanlaki ang aking mata, ito yung araw na inatake kami ng Rouges. “Oh please Mama wag kang tumayo!” Sigaw ko pero too late, tumayo na si Mama at sinundan si Papa dahil ang tagal daw niya sa labas.
“Ahhh!!” Yun ang sigaw ni Mama. Ang maliit kong bersyon at ako ay tumakbo sa labas. Nanlaki ang mata ng maliit kong beryson dahil napapalibotan kami ng mga Rouges. I clenched my fists anger as the Rouge punched Papa in the jaw making papa flew all the way to the tree.
“Papa!!” Sigaw ko at ng maliit kong bersyon.
“Theo!!” Sigaw ni Mama at nagtagis ang kanyang bagang at nag anyong lobo. Galit na tinitigan niya ang mga Rouges. Before she attacked, she howled so loudly. Assuming that she called for the Alpha's help. Ginamit ni mama ang kanyang abilidad, ang palutangin ang mga lahat ng mga bagay pero nakansela ito ng isang lalaking Rouge. Nanlaki ang mata ni Mama dahil sa sobrang bilis ng dalawang Rouges.
They jabbed Mama in the stomach. She screamed in agony and I remained still while covering my mouth. “Mama!!” Sigaw ng maliit kong bersyon at tumakbo papalit sa kanya pero tumigil siya nang makita niya si Papa na nasa harap na ni Mama. Sinakal niya ang dalawang Rouges at pinalipad papunta sa puno. Naalerto naman ang iba pang Rouges at tumakbo papunta kina Mama at Papa pero may malaking hayop ang tumalon galing sa likod nila.
A black werewolf appeared, so big and ferocious. The Alpha, Yuro was here. Yuro was growling at them. With his intense gold eyes, the rouges took a step back with fear in their eyes. “Kuya Yuro! Help Mama and Papa please!” Sigaw ng maliit kong bersyon at tumango si Yuro. Tinulungan ni Papa na tumayo si Mama, duguan ang tiyan niya dahilan para magtagis ang bagang ko.
Binaling ko ang mata ko sa maliit kong bersyon. Umiiyak siya habang nakatakip bibig, sobrang inosente ko pa noon at walang kaalam alam sa mga away o labanan pero ngayon na nakita niya ang mga magulang namin, wala siyang magawa kundi manigas. I remember it so well, as much as I want to help them pero pinangunahan ako ng aking takot.
Yuro used his ability, the dangerous one that he and I shared. Kill. Growling at them, he stared at the Rouges in their eyes. Suddenly three Rouges started to cough blood, much to the other Rouge's surprise. “Walang hiya ka!!” Sigaw ng babaeng Rouge at umatake kay Yuro pero tulad ng tatlong Rouge ay napaubo din siya ng dugo, the four Rouges coughed violently. Tumulo ang dugo nila sa kanilang mata, ilong at tenga. Sumigaw sila sa sakit bago matumba sa lupa na wala ng buhay.
Habang abala si Yuro sa iba pang Rouges ay may umatake kina Mama at Papa, pinagsusuntok ng Rouge si Papa at nagsimula ng umiyak. “Theo!!” Tumakbo si Mama at sinakal ang lalake, hinigit niya ang kanyang pagsakal sa kanya at sinuntok sa sikmura. Kahit hindi nila ako makalapit ay lumapit ako.
“N-No, don't hurt them.” I mumbled. Tears brimmed in my eyes, ayoko ng ganito please lang gusto ko ng magising! “Don't hurt them!!” I screamed gaining their attention, ngumisi ang ibang Rouges nang makita ang maliit kong bersyon. Aatake na sana ang dalawang Rouges pero humarang sina Mama at Papa, ang kamay ng dalawang Rouges ay nasa dibdib nila at nakabaon ito. “Kuya Yuro!!” Immediately natanggal ang dalawang kamay ng Rouges sa dibdib sila dahil pinalipad silang dalawa ni Yuro.
YOU ARE READING
The Hybrid
Fantasía"Reap me with your finest bloodlust and vengeance." {COMPLETED STORY} Start: May 1, 2020 End: Sep 7, 2020 Credits to the picture owner..