Armira's POV
“Yuro.”
“Armira?!”
Ngumiti ako at tumakbo sa kanila para sila'y yakapin. Isa isa nila akong niyakap. Oh how I miss them. Lumipat ang tingin ko kay Yuro na nakangiti at hinaplos ang aking ngiti bago ako niyakap ng mahigpit. Kumalas ako sa yakap at agad napunta ang mata ni kay Kevin.
May halong pagtataka ang mukha nila pero si Yuro? Wala lang. Kilala niya ata si Kevin eh. Nanlaki ang mata nina Grace at Jade.
“Prinsepe Kevin?!”
“Yep, that's me.”
Agad na lumuhod ang mga kaibigan ko maliban kay Yuro. He bows down to no one, even the king and queen. Tumayo sila at tinignan si Kevin na puno ng pagkamangha, itong kasama ko kasi ang gwapo kaya tuloy tumili si Grace, Pamella at Jade.
“Kevin, matagal na ang panahon noong huli tayong nagkita.”
“Masasabi ko nga Yuro.”
Nalaglag ang panga ko dahil inakbayan ni Yuro si Kevin. Magkakaibigan silang dalawa? Kailan at paano? “Care to tell me what's going on?!” I yelled pero tinawanan lang nila ako. Napagdesisyonan namin pumasok sa kubo, sabi ni Kevin kailangan daw hindi ako magtatagal dahil magsasara ang gate ng akademya pagsapit ng alas dose.
“Bago ko ikwento kung paano kami nagkakilala ni Kevin. Ikwento ko samin kung anong nangyari sayo.” Yuro said firmly.
“Oo nga Meir! Matagal kana namim hindi nakita!”
“Tsaka kinuwento samin ni Grace yung nangyari.”
“Why did you took the blame?”
“Obviously she wants to see the palace.”
“Shut up Pamella.”
Bumuntong hininga ako at kinuwento sa kanila ang nangyari sakin sa palasyo, kung paano ko pinainit ang ulo ng Reyna, pinahirapan ng mga kawal, pinakain ni Kevin, sinagip ni Kevin at pinaaral sa Akademya para bantayan ang mga kapatid niya kapalit ng kaligtasan ng matanda. Nalaglag ang panga nilang lahat. Nakapasok kasi ako sa akademya kaya sila gulat na gulat. “Salamat sa ginawa mo Kevin.” Ngumiti si Yuro.
“Wala yun.” Tanging sagot niya. “Ngayon ikwento mo kung bakit kayo magkakilala.”
“Nagkakilala kami ni Yuro sa gubat 10 years ago, hinamon niya ako ng away kaya yun, doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.” Nganga, nang dahil sa away ay naging magkaibigan sila? How weird, mabuti nalang at hindi sila naging mortal na magkaaway. Lumabas muna sina Kevin at Yuro para mag usap tapos ngayon, kami ng mga kaibigan ko ang natira dito sa kubo.
“Meir ang swerte mo!” Tili ni Jade habang pinisil pisil yung braso ko. “Nakilala mo yung Prinsepe tapos nakapasok kapa sa akademya, sana kami din.” Dagdag ni Grace, how I wish it was easy but I wouldn't want Kevin to carry all the burden of I want them in. “May mga gwapo ba dun?” Tanging tanong ni Pamella, himala at hindi nakipagbangayan sakin ngayon.
“Marami Pamella.”
“Oh my god!!” Tili ni Jade.
“Hinaan mo boses mo Jade!” Sigaw ni Bam. “Babae nga naman.” Rinig kong bulong ni Carlos. “Bigay ka naman Meir! Naririndi na ako sa mukha nina Bam at Carlos.” Irap ni Pamella kaya nagtagis ang bagang nina Carlos at Bam, natawa nalang ako sa kanila. “Madami ngang gwapo pero mayayabang naman.” I said after remembering my encounter to Storm, gusto ko tuloy siyang isubsob sa lupa. Pagmumukha lang niya naiinis na ako.
“Ay turn off naman.” Bulong ni Grace. Hindi gusto ni Grace yung mga mayayabang at masamang ugali pero si Jade at Pamella? Ay wala yang pake kapag gwapo ka pasok kana. “How about girls Meir? May maganda ba don? Sawa na kasi ako sa mga tatlong babae dito.” Ganti ni Bam.
![](https://img.wattpad.com/cover/223318585-288-k439233.jpg)
YOU ARE READING
The Hybrid
Fantasy"Reap me with your finest bloodlust and vengeance." {COMPLETED STORY} Start: May 1, 2020 End: Sep 7, 2020 Credits to the picture owner..