Chapter 34

105 9 0
                                    

Armira's POV

“Actually pinlano namin yun ni Yuro at ni Maximo.  Pinakiusapan namin si Lolo Magnus at pumayag siya agad. Kasama ako ni Mom sa centro, I unconsciously used my ability para mahulog ang amulet niya at nandoon siya, disguising himself. Kinuha niya iyon at naghanap ako ng isang babae para utusan na magsumbong sa mga kawal sa palasyo na nakita niya na nandoon kay Lolo Magnus, who called himself as Lolo Tirso ang amulet but of course sinabi ko sa kanya na wag isumbong na ako ang nagsabi.” Grabe sila, dinamay pa talaga ang dating Hari!

“Timing na nasa centro ka at nangyari yun. You protected him from the soldiers and you took him to your house para gamutin siya.”

“Teka pano mo to nalaman?”

“I was there, watching you kasama si Yuro pero hindi mo kami nakita. The plan was to let Lolo give you the Amulet para ikaw magsauli and you did, you took the blame. When I saw in the castle, sobrang tuwa ang naramdam ko dahil tagumpay ang plano but what shock me was how you talk back to my mom, you immediately amused the heck out of me Reina. I let my Mom take you to the cell, I wanted to oppose on the idea of you being tortured but I can't, magtataka sila sakin.”

“Well at least pinalaya mo ako.” I smiled to him.

“That's because you're close to eating that vampire.”

“Ah pasensya na ha? Gutom ang tao eh.” Sarkastiko kong tugon sa kanya sabay irap. Tumawa siya ng marahan at agad na tumigil upang ipagpatuloy ang kwento.

“When I saved you, naalala ko agad si Maximo. May similarities kasi kayo sa mukha eh. Nang nabalitaan kong umalis sina Mom at Dad ay nabuhayan ako ng loob, hindi na magiging mahirap sakin upang ipasok ka sa akademya.”

“Huh?”

“Pinakiusapan ako ni Maximo na gusto niyang makapag aral ka kasi palagi mo daw tinatanaw ang akademya sa malayo, he saw that you wanted to enter there. The way your eyes sparkled when you hear the academy's name made Maximo determined to let you enter kaya lumapit siya sa amin ni Yuro at humingi ng tulong, Reina. Actually tungkol sa pagbabantay sa mga kapatid ko ay wala naman talaga silang problema eh, hindi sila pasaway. Excuse lang yun tsaka yung nangako ako na magiging ligtas si Lolo, he's still safe until now.” Hindi ko makapagsalita. Ginawa nila yun para makapasok ako sa akademya? They did it all for me..? Unconsciously, my hand travelled to my chest. Ang lakas ng kabog nito.

“Remember your gown? Si Maximo ang bumili non nang sinabi ko sa kanya na imbitado ka sa Birthday ko. He payed for it kahit na I insisted pero matigas ang ulo niya eh. He said, he wanted to see you with the gown that he payed for.” Kuya really did this all for me, parang hinaplos ang puso ko pero at the same time I feel so awful. Anong magagawa ko para makabawi sa kanya? Mag isip ka Meir!

“D-Damn.” I clutch my chest. What kind of a sister are you Meir? Ugh!

“Remember the necklace that you won from the activity? And I told you to wear it? It was Maximo's necklace. Sabi niya sa iyo muna daw yun.” Sabi niya at napayuko ako. Napahawak ako sa aking kwintas at ngumiti.

“Remember when lumabas ka patungo sa fountain noong gabi na yun at nakita mo ako sa itaas?”

“Oo bakit?”

“Maximo was there, looking at you while nag uusap kayo ni Cayden. He said you were so beautiful and he wanted to hug you so tightly. Sinubukan ka niyang abutin pero nang tumingin kana sa itaas ay naglaho nalang siya bigla.” Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at bigla nalang may nagflash sa aking isipan.

Sa kabilang dako din ay nasa isang maliit na harden ang isang lalake na pinunasan ang kanyang espada na nadungisan ng dugo ng isang kabayo. Bumuntong hininga siya at umupo sa lupa at sumandal sa kahoy. Habang pinakiramdaman niya ang paligid ay may biglang lumitaw sa kanyang harapan kaya siya napaupo ng paayos.

The HybridWhere stories live. Discover now