Chapter 36

101 5 0
                                    

Armira's POV

“Armira, may isang pabor lang ako sayo.” He said seriously kaya nagtaas siya ng kilay.

“Ano yun?”

“Layuan mo si Cayden simula bukas.”

.....E-Eh? Nanlaki ang mata ko sa gulat.

“Since the day Cayden got so worked up on finding that man who bit you, naghinala na ako Armira.  The day that the Scalawags trespassed, he saved you. Hindi siya mag aalala sa mga taong hindi pa niya lubusang kilala lalong lalo kung babae.” He paused and took a deep breathe. “Matanong nga kita Armira, he's your mate am I right?” I held my breathe at bumilis ang tibok ng puso ko.

Yumuko ako, ayokong sagutin ang tanong niya and his expression is scaring me. “I'll take that as a yes but please do my favor, it will benefit you two. Kapag pinagpatuloy niyo pa to, mapapahamak kayong dalawa. Cayden is like my little bro, I don't want him to be hurt.” Ang sikip sa dibdib, gusto kong maiyak dahil tama siya. Mapapahamak lang kami kapag pinagpatuloy namin to.

“Hindi ko gustong masaktan ka o kayong dalawa but it's for the best Armira. Layuan mo siya, o ako ang maglalayo sa kanya. Siguro madali lang naman yun diba?” Gusto ko siyang sampalin at sabihing, oo madaling sabihin pero mahirap gawin! Lalong lalo na kung mahal ko siya.

“I-I understand.” I still don't! I want to be selfish but at the same time I don't want to.

“Thank you. That's all, magpahinga kana.” Tinapik niya ang aking balikat tsaka umalis. Humakbang ako pabalik sa loob at binagsak ang aking katawan sa sofa. Siguro tama na yung oras ng pagsasama namin. Lumakbay ang kamay ko sa aking dibdib, ang sakit at ang bigat sa pakiramdam. Hindi pa nga ako lubusang maayos tapos humabol pa si Will.

Tulala lang akong nakatitig sa bar stool. Nag uulap na ang aking paningin at ilang segundo ay tumulo ang aking luha. Tangina, pano ko siya maiiwasan kung nasa iisang lugar kami?

“Meir! May dala na akong gam--bakit ka umiiyak?!” Lumuhod siya sa harap ko at pinunasan ang aking luha. Hindi ko siya pinansin, ayokong magsalita pero gusto ko rin sabihin sa kanya lahat ng problema ko dahil pakiramdam ko, mababaliw nako kung ano bang dapat kung gawin! Yumuko ako para matignan siya sa mata.

“C-Clara, kung ang nakatadhana sayo ay isang lobo, a-anong gagawin mo?” Nanlaki ang mata niya. Alam kung hindi niya inasahan ang tanong ko.

“Kung ang nakatadhana sakin ay isang lobo, of course iiwasan ko. Ayokong tumaksil at manganak ng Hybrid no.” She added a sense of humor for that pero hindi nakakatuwa eh, nasasaktan parin ako dahil hindi ako sumang ayon sa sagot niya. “Teka nga, bakit mo ba to tinata--” Tumigil siya nang makitang tumulo muli ang aking luha and sumingap sa gulat.

“D-Don't tell me, you're mate is..” Tumango ako agad at humagulgol. Agad niya akong niyakap at hinimas himas ang aking likod para ako'y patahanin. Kaya ko ba to?

Kapag pinagpatuloy niyo pa to, mapapahamak kayong dalawa.”

Siguro hanggang dito nalang.

“Meir sabihin mo sakin lahat.” Kumalas siya sa yakap at hinaplos ang aking pisnge. “Tell me everything.”

And I ended up telling her but not everything. Yung kay Maximo, sakin lang muna yun. I told her simula noong nangyari sa palasyo hanggang sa pagbisita ni Will dito sa dorm. Nagulat nga siya dahil sinabi ko sa kanya na wala akong sinabihan tungkol samin ni Cayden. Although 2 days ago, may naramdaman akong kakaibang presensya pero inisip ko na baka ibang tao lang yun na malapit samin pero hindi, she didn't know so it was really Will who saw us.

The HybridWhere stories live. Discover now