Armira's POV
Humalakhak siya at binaba ang kanyang kamay. “That's good, wag kang magpapacute habang nasa harap ako.”
“Bakit?” Takang tanong ko.
Humakbang si Cayden palapit sa akin, nanlaki ang mata ko at umatras pero hinawakan niya ang aking braso para hindi ako makalayo sa kanya. “A-Anong--” Medyo tumayo ang balahibo ko dahil ngumisi siya.
“If you keep on acting cute in front of me, it turns me on.”
Ramdam ko ang pag akyat ng dugo ko sa pisnge kaya mabilis akong tumalikod sa kanya. “S-Shut up.” Padabog ko siyang iniwan doon. Panay tawag siya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin at tumungo sa dorm. Pagod na ako simula kanina at gusto kong kumain bago matulog. Pinihit ko ang pinto at agad na umupo sa sofa. Walang hiyang Cayden na yun, alam niya ba ang pinagsasasabi niya? Ang laki ng epekto nun sakin, simpleng 'turns me on' at lumakas na ang tibok ng puso ko!
“Oh nandito kana pala. Halika may pagkain na tayo.” Lumingon ako sa kusina. May karne sa mesa at kopa, I assumed dugo ang laman non. Tumayo ako at nag anyong lobo, kita ko parin ang pagkamangha sa mata ni Clara habang nilagay sa sahig ang karne. “Hindi parin ako makapaniwala na isang Beta ang kaibigan ko.” Kung nag anyong tao ako baka natawa na ako sa sinabi niya.
Kinain ko ang karne at ininom naman ni Clara ang kanyang dugo. How odd, hindi ako natriggered sa daming dugo kanina sa cafeteria at ngayon. Yung kay Cayden talaga ang pinagtataka ko eh, his blood made me crazy. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa totoo kong anyo at tinapon ang mga buto at nagsipilyo. “So ano palang pinag usapan ninyo ni Cayden kanina?” Bigla niyang tanong dahilan para maalala ko yung kanina.
“If you keep on acting cute in front of me, it turns me on.”
Uminit yung pisnge ko at nag iwas ng tingin kay Clara na ngayo'y naghuhugas ng pinggan. “W-Wala naman, nagpasalamat lang ako.” I spit the toothpaste and gurgle bago humarap sa kanya.
“Ganon ba? Pero nagtaka ako kung bakit sila nagbreak ni Ehrlish.”
“Yeah same, pero that girl doesn't deserve him.”
“Oo nga, masyadong maarte at warfreak. Hindi naman siya ganyan noon eh.” Natigil ako sa sinabi niya, so mabait siya noon?
“I might be wrong or not pero baka nagbreak sila dahil hindi mate ni Cayden si Ehrlish.”
May mate ang mga bampira at lobo, malalaman mo lang na mate mo ang isang tao kung nakakaramdam ka ng special bond. Kayo lang dalawa ang nakakaramdam niyan pero sabi ni Yuro sakin na ang special bond ay mararamdaman mo ang damdamin ng mate mo, you will feel sparks and electrifying feeling. Matagal na akong naglilibot sa Daminus pero parang hindi ko pa nahanap ang para sakin, sooner or later maybe I'll find my man.
“Kung hindi edi bakit naging sila? Tch.” Estupido naman yun si Cayden, nilandi ang hindi para sa kanya.
“Oh bakit naiinis ka?” Nanlaki ang mata ko habang nakatutok ako sa kanya. Naiinis ba ako? Sa pagkakaalala ko, kay Ehrlish lang ako nainis hindi sa relasyon nilang dalawa. “Hindi naman. Ge matulog na ako.” Tumalikod ako sa kanya at lumakad patungo sa aking kwarto. Pagpasok ko ay agad akong nagpalit ng pangbahay at humiga sa kama. I hope I won't have weird dreams today, sobrang pagod ako kanina lang.
“If you keep on acting cute in front of me, it turns me on.”
Possible kaya? Pero hindi! Hindi pwede! Pinikit ko ang aking mata at hinayaan na kainin ako ng kadiliman.
“Hoy Meir gising na!”
“Ano ba yan! Ang aga aga mong nambubulabog!” I jerk up from bed, masyadong maingay si Clara eh. Tignan mo ginising ako ng ala sais sarado. Napahilamos ako sa mukha tapos binigyan ako ni Clara ng ngiting tagumpay, I wanna wipe it out so badly. “Ligo kana Meir bilis!” Wala akong magawa kundi sumunod sa kanya at kinuha ang aking tuwalya at lumabas sa kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/223318585-288-k439233.jpg)
YOU ARE READING
The Hybrid
Fantasy"Reap me with your finest bloodlust and vengeance." {COMPLETED STORY} Start: May 1, 2020 End: Sep 7, 2020 Credits to the picture owner..