Chapter 22

127 7 0
                                    

Third Person's POV

“Okay na ba to?” Binaba ni Hermie, ang alipin ni Will ang kanyang mata sa bitbit nilang pagkain. “Okay na yan. Ang dami na nito, magrereklamo pa sila.” Irap ni Clara sa kawalan habang naglalakad silang dalawa pabalik sa silid kung saan sina Kyle at Will. Kung ano anong klaseng pagkain ang binili nila pero syempre hindi nila nakalimutan ang mga dugo dahil yun ang nagsisilbing tubig nila.

Pagdating nila doon ay bahagyang nagulat si Clara at Hermie nang makita sina Cayden at Meir sa loob. Ngumiti si Clara at mabilis na lumapit sa kanila. “Nandito na kami!” Lumingon silang apat sa dalawang babae na kararating lang habang nilapag ang dala nilang pagkain sa mesa. “Nice timing.” Sabi ni Kyle at lumapit kay Clara para tulungan siya.

Napangiti si Meir habang inoobserba sina Clara at Kyle. Halatang masaya silang dalawa, nilipat niya ang kanyang tingin sa leeg nilang dalawa kung saan nandoon ang tattoo na nagsisimbolong, sila ay para sa isa't isa. Takang tinitigan ni Cayden ang kanyang alipin at sinundan ang tingin nito.

“Tapos na kami. Kain na kayo.” Sabi ni Hermie at lumapit sila sa mesa at kumain. Binaling ni Hermie ang kanyang tingin kay Meir na ngayo'y nakatitig din sa kanya, binigyan niya ito ng matipid na ngiti na ginantihan naman siya nito.

“Kung sa cafeteria nalang kayo kumain?” Tinaas ni Meir ang kanyang kilay.

“Mas gusto namin dito, tayo tayo lang.” Sagot ni Will kaya umupo si Meir at hinayaan silang kumain. Cayden ate as well so Meir stared at the window as her thoughts were starting to get disorganized. Lumingon si Clara para tawagin si Meir pero pinigilan siya ni Cayden. He put his index finger on his lips, hinting them to shut up as she stared at her.

He can hear it, her thoughts. Bigla nalang bumukas ang isipan niya.

“Are you even alive or not? I'm starting to doubt everything.”

Ramdam ni Cayden ang lungkot ni Meir. Binaba ni Cayden ang kanyang kamay dahil sarado na muli ang isipan ng dalaga. The two Purebloods were confused at him but the moment he drop his finger, Kyle was the first one to call her. “Armira, hindi ka ba sasabay samim dito?” Takang tanong nito at umiling siya.

“Hindi na, busog pa ako.” Pagtanggi nito at binalik ang atensyon sa bintana. Cayden eyed at her carefully, kanina niya pa napapansin na kakaiba ang kinikilos, na para bang may bumabagabag sa kanya simula nung may nakita siya sa likod ng puno ng sakura. Kahit na naguguluhan siya, he won't force her to talk if it's about her personal problems.

Kung nakapansin si Cayden, nakapansin din si Clara ngunit hindi niya pinahalata. Ilang oras silang kumain doon at naisipan ni Meir na tulungan ang kapwa niyang alipin na magligpit sa mga kalat nila. Nang matapos sila ay lumabas sila sa silid at naglibot libot sa akademya since malapit ng matapos ang aktibidad na to.

“Ayaw kong matapos ang aktibidad na to.” Maktol na sabi ni Will, Hermie stared at him in disbelief yet her cheeks were tinted pink.

“Kung ayaw mo, ako gusto.” Bagot na komento ni Meir dahilan para umiling iling si Cayden. He feels the same with Will. Somehow, he wanted her to tail him everywhere and he wouldn't mind if she gets annoyed or mad pero after this ay may nakasunod na aktibidad.

“Ako? Well kahit naman matapos o hindi, this girl is stuck with me.” Akbay ni Kyle kay Clara na kinalapad naman ng ngiti niya. Takang binaling ni Hermie ang dalawa. “Ang close niyo no?” She said and Kyle grinned at her. “Of course.” Hinawi ni Kyle ang buhok ni Clara at nakita ni Hermie ang tattoo nilang dalawa. Napasingap siya sa gulat at tinakip ang kanyang bibig.

“She's your mate?!”

“Yep.” Clara declared. Ngumiti si Hermie sa kanilang dalawa, kahit miyembro siya ng fanclub ni Kyle ay masaya siyang nakikita niya ang kanyang hinahangaan na masaya but it can't be help that she was sad.

The HybridWhere stories live. Discover now