Third Person's POV
Namangha ang lahat sa kanilang nakita. Hindi nila inasahan na ganon pala kagaling si Armira. Nakatitig lang silang lahat sa kanya habang si Meir ay walang ekspresyon sa mukha. The three Purebloods were impressed by her lalong lalo na si Cayden. He mentally smirked.
“I like her already.” Nakangising sabi ni Kyle at tumango si Will. “She's skilled alright.” Sabi ni Will. Namangha si Cayden kung paano nag anyong lobo si Meir at mas nakakagulat pa ay nakapikit lang ito habang kinakalaban ang ibang lobo. Yung mga bampira naman kanina ay walang kahirap hirap niyang pinatumba.
Pansin din ni Cayden na palaging tumatalsik ang mga kalaban niya kaya inisip niya baka yun ang abilidad niya. Lumakad si Meir papunta kay Brenda at may sinabi ito sa kanya pero umiling lang si Meir. Nanlaki ang mata nalang lahat nang unti unting maghilom ang sugat niya, hindi karaniwan sa isang lobo.
Nangunot ang noo ni Clara, hindi naghihilom ang sugat ng mga lobo dahil wala silang Healing Ability, tanging bampira lang ang makakagawa non pero inisip din niya na baka posibleng may abilidad siyang pagalingin ang mga sugat niya.
Umupo pabalik si Meir sa kanyang pwesto kanina habang sinusundan siya ng tingin ng kapwa niyang estudyante. “Meir ang galing mo!” Clara cheered at niyakap siya, ngumiti lang ang siya at kumalas sa yakap bago umupo. Hinaplos ni Meir ang kanyang sugat, nanlaki ang mata niya ng mawala ito. Hindi lang man niya napansin na gumaling na pala ito. “You we're amazing Ms. Armira.” Binaling ni Meir ang tingin niya kay Will na nakangiti.
“Ah thanks..?” Alanganin niyang pasalamat sa kanya. “Palakpakan natin si Ms. Tuazon, great job.” Ngumiti si Brenda. Pumalakpak silang lahat sa kanya hanggang sa tumigil ito at sumunod yung iba. Ilang oras ay natapos ang klase nila at nalungkot si Meir nang hindi pinili ni Brenda ang tatlong purebloods, gusto niya malaman kung gaano sila kalakas.
Tumunog ang kampana at nagtayuan silang lahat. Hihilahin na sana ni Clara si Meir nang tinawag siya ni Brenda kaya naunang umalis si Clara at naiwan silang dalawa sa combat room. “Ano po yun Ms. Brenda?” Tanong niya. “Kamusta ang pack sa labas? Ang Alpha natin? Matagal na kasi akong hindi makalabas.” Bakas sa boses ni Brenda ang lungkot kaya hinawakan ni Meir ang kanyang kamay.
“Okay lang naman si Yuro tapos yung iba maayos pa din.”
“Mabuti naman.”
“Bakit hindi kayo makalabas?” Takang tanong ni Meir sa kanya. Malaya naman makalabas ang mga lobo depende nalang kung may aprobado sa namamahala dito sa akademya. “Hindi pinapayagan ang mga propesor na lumabas, tanging mga estudyante lang.” Meir could feel her longing towards freedom, baka may anak siyang nasa labas kaya siya ganon kalungkot.
“How cruel, they should consider your situation.”
“Hindi naman sila katulad ninyo na marunong umintindi.”
Bumuntong hininga si Meir. Sa ngayon ay wala siyang magagawa para matulungan siya dahil kung pupuntahan ko ang headmaster ngayon baka hindi niya magustuhan ang sasabihin ko at patalsikin ako dito, I've promised Kevin that I'm gonna watch over his siblings and I'm gonna keep it. “Sige aking Beta, pwede ka ng umalis.” Sabi ni Brenda at bahagyang yumuko si Meir bago umalis.
~~~~~
Armira's POV
Lumabas ako sa combat room at lumakad papunta sa locker ko. Math yung next subject ko at hindi ko alam kung ano ang Math na yan pero malalaman ko din yan mamaya. Pagdating ko sa locker area ay kinuha ko ang aking susi at binuksan ito, I grab my math book and closed it. Nilagay ko ito sa bag at lumakad papunta sa kainan, break time namin ngayon bago yun asignatura sa math.
![](https://img.wattpad.com/cover/223318585-288-k439233.jpg)
YOU ARE READING
The Hybrid
Fantasy"Reap me with your finest bloodlust and vengeance." {COMPLETED STORY} Start: May 1, 2020 End: Sep 7, 2020 Credits to the picture owner..