Chapter 40

120 5 0
                                    

Third Person's POV

Nagising si Meir sa kanyang kwarto na nasa tabi niya si Clara at Yuro. Kunot noo siyang bumangon at hinawakan ang kanyang ulo. Ang huling naalala niya ay hilong hilo siya tapos nakabangga siya ng tao kaya nawalan siya ng malay. Binaba niya ang kanyang kamay at hinawakan ang kamay nilang dalawa. Sobra atang nag alala si Yuro sa kanya kaya dito na natulog magdamag.

Hindi na ginising ni Meir ang dalawa at bumangon para maghanap ng makakain sa kusina. Paglabas niya ay nagsalubong agad ang kilay niya nang nagbago ang kanyang paligid. “Did I just teleport?” Bulong niya at inilibot ang kanyang mata sa paligid. Nasa madilim siya na gubat kaya naglakad lakad siya hanggang sa may nakita siyang katawan na nakahiga sa malapit. Agad siyang tumakbo para tignan kung sino pero nang makalapit na siya ay napatakip siya sa kanyang bibig at sumigaw.

Nasa harapan niya ay patay na katawan ng kanyang Kuya na si Maximo. Nang dahil sa malakas na sigaw niya ay nagising sina Clara at Yuro. Dali dali silang lumabas sa kwarto at nakita si Meir sa sahig habang may tinuturo. Nakatakip and bibig at nanginginig ang katawan. Tumakbo silang dalawa sa tabi niya at sinubukan siyang pakalmahin.

“Reina! Reina!!” Sigaw ni Yuro.

“Anong nangyayari sa kanya?!” Bulalas ni Clara. Nagulat siya nang tumulo ang luha ni Meir at humihikbi na ito.

“Y-Yuro, si Maximo! Si Maximo nasa likod mo! H-He's dead!!” Sigaw niya sabay turo sa likod ni Yuro. Lumingon si Yuro at Clara sa likod ngunit ang nakita niya ay isang upuan lamang. Bumaling sila ulit kay Meir na patuloy pa ring umiiyak.

“Shit, she's starting to hallucinate.” Bulong ni Yuro na siyang narinig ni Clara. Niyakap nalang niya ang kanyang pamangkin ng mahigpit. Clara however was worried and blamed Lora for what happened to her. Lumuhod siya sa tabi ni Meir at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay.

“Y-Yuro, tulungan mo siya! Tulungan mo si Kuya please, parang awa mo na!” Sigaw niya.

Not saying anything, Yuro scooped her in his arms and brought her back to her room. Marahan niyang pinaupo si Meir sa kama at pinunasan ang kanyang luha.

“Reina, wag kang mag alala. Nandito lang sa tabi si Maximo.”

“P-Pero wala na siya Yuro! P-Pinatay siya pinatay! Magbabayad ang sino mang pumatay sa kanya!!”

Kinagat ni Clara ang kanyang labi, seeing Meir in that situation made her heart broken. It was like she saw herself on how she cried when her uncle died too. Yuro stared at her deeply, kinuyom niya ang kanyang kamao at walang pag alinlangang sinuntok si Meir sa sikmura dahilan para mawalan siya ng malay. Nanlaki ang mata ni Clara sa nangyari.

“Bat mo siya sinuntok?!”

“It's the only way for her to not hallucinate.” Tumayo si Yuro at humarap kay Clara, may sasabihin na sana siya nang biglang dumating ang tatlong Purebloods sa pintuan. Ang mata nila ay dumako kay Meir na nakahiga sa kama kaya lumapit ang tatlo sa kanila.

“Narinig namin ang sigaw ni Goldie, anong nangyari sa kanya?!” Bulalas ni Cayden.

“She was hallucinating so I punched her to lose her consciousness.” Sagot ni Yuro.

“Pero pinainom natin siya ng elixir diba? How come it didn't work?!” Kyle said kaya nagsimula na ding magtaka ang lahat. All of the sudden ay lumitaw si Maximo sa kanilang likuran.

“That Elixir takes time to do its work.” Sabi niya. Sabay silang napalingon sa kanya, agad na lumapit si Yuro sa kanya habang si Cayden ay tulalang nakatitig sa kanya. Alam niyang siya ang tinutukoy ni Meir na Kuya niya. They have the same facial features. Now that her brother is in front of them, hindi niya alam ang kanyang gagawin. Feeling niya ay family meet and greet ang nangyayari.

The HybridWhere stories live. Discover now