Armira's POV
Binaba ko si Cayden sa lupa matapos ng pagsipsip ko ng dugo niya. Aaminin ko, ang sarap ng dugo niya, mas masarap pa kay Kevin at kahit gusto ko muling sipsipin ang dugo niya ay pinigilan ko ang aking sarili, baka maubos ko lahat ng dugo niya. I felt so full and satisfied. I could feel a tingling sensation all over my body at nakakaadik ang dugo ng mate mo but what was Cayden's reason noong kinagat niya ako sa kwarto niya noon?
Kahit hindi ko alam ang sagot, siguro malalim yun. Tinitigan ko ang mukha niya, ang gwapo niya kahit...nasaktan ko siya. Inalis ko ang buhok sa mata niya at napangiti. Swerte ako dahil siya ang para sakin pero malas din dahil nasa magkaiba kaming panig. Napunta ang mata ko sa kanyang labi na nakaawang ng kunti.
Nakakatukso ang labi niya, Parang labi ng babae pero hindi haha. Sobrang pink din kahit na alam kong wala siyang nilalagay sa lips niya, it's just his lip's natural color. I lean forward to him, hindi ko alam pero may nagtutulak sakin na halikan ang labi niya. Nang makalapit na ako ay naamoy ko ang mabango niyang perfume at ang amoy dugo ng oso sa kanyang bibig. Tumawa ako ng marahan hindi dahil mabaho pero dahil mabango.
Ano weird ko no? Haha sorry po. I lean more closer and closer. “Tama nga akong nandito ka.” Agad akong napaayos ng upo at tumikhim. Narinig ko ang tawa niya, siguro inisip niya na sinira niya ang moment ko pero oo nasira talaga ang moment ko, bakit ba bigla siyang sumulpot?!
“Way to say Hello, Kevin.” Umirap ako sa kanya at tumayo kaya tumawa muli siya. Haha nanatawa siya sa itsura ko ngayon, ewan ko sa kanya!
“I promised you something aren't I?” Sumeryoso agad yung ekspresyon niya. Tumango ako sa kanya. Bumaling si Kevin sa walang malay na Cayden at bumuntong hininga.
“Iwan mo siya jan.”
“A-Ano?!”
“He can't come with us. If you want to come with me para masagot mo ang mga katanungan mo ay iwan mo siya jan. He has nothing to do with this.” Lumingon ako kay Cayden. Sinaktan ko na nga, iiwan ko pa. Ang sama ko naman na girlfriend but ngayon lang naman eh, alam kong maintindihan niya ako. Bumuntong hininga ako at humarap kay Kevin.
“Fine. San ba tayo?”
“Sa palasyo.”
Humakbang ako palapit sa kanya but before running away ay lumingon muli ako sa kanya. I hope he gets home safely. Tuluyan naming nilisan ni Kevin ang gubat at tumakbo papuntang palasyo pero siyempre hindi kami daan sa entrance kasi he was supposedly sleeping by now kaya doon kami dumaan sa secret passageway ni Kevin which is doon sa gilid ng wall.
Inangat niya ang isang bato at tumingin ako pababa. Metal ang paligid kaya una akong tumalon pababa at sumunod naman si Kevin. Ang akala ko lupa ang makikita ko dito pero matal pala at kitang kita ang repleksyon ko. Lumakad na kaming dalawa. Ang sabi niya it'll take 10 minutes to reach his room but I won't mind, hindu naman ganun katagal ang 10 minutes eh.
Ilang minuto ang dumaan at napahinto ai Kevin kaya huminto din ako. Nauna siyang umakyat sa hagdan para alisin ang nakatakip sa itaas. When he removed it successfully ay sumunod na din ako. Namangha ako nang makitang nasa walk in closet niya kami ngayon. Tumayo ako at humakbang si Kevin sa cabinet, may dalawang switch doon at pinindot niya ang isa. Nagulat nalang ako nang biglang nawala yung entrance ng passageway.
I stared at him in amusement as he winked at me. He gestured me to his room at pinaupo sa kama. Nakatalikod siya sakin at bumunga ng hangin. “Reina, hindi ko ikukwento sayo ang nakaraan mo. Though I want us to travel to past through your dream.” Sabi niya at humarap sakin. Lalakbay sa nakaraan ko sa pamamagitan ng panaginip? Paano naman namin gagawin yun?
YOU ARE READING
The Hybrid
Fantasy"Reap me with your finest bloodlust and vengeance." {COMPLETED STORY} Start: May 1, 2020 End: Sep 7, 2020 Credits to the picture owner..