Third Person's POV
Alas singko na ng hapon at nagpahinga na ang lahat. Kasalukuyang nakasandal si Meir sa puno dahil kanina pa siya nahihilo at unti unting umiinit ang kanyang katawan. Bumilis din ang tibok ng puso niya, she started hyperventilating. Yuro and Kevin who happens to arrive earlier turned their heads to Meir. Nanlaki ang mata nila nang makitang nakahawak si Meir sa kanyang ulo at bumilis ang kanyang paghinga.
“I-It's starting..” She whispered.
“Reina!!” Sigaw nila at dali daling tumakbo para siya'y saluhin. Luckily they were fast to catch her. Ngumiwi silang dalawa nang lumapat ang braso nila sa braso ni Meir. Napalingon din ang mga kaibigan ni Meir at napasinghap kaya dali dali rin silang tumakbo para lumapit.
“Anong nangyayari sa kanya?!” Bulalas ni Grace. Yuro scooped Meir into his arms.
“Umakyat kayo sa ikaanim na palapag ng dorm building at hanapin nyo ang dorm F-15!” Kevin said and held Yuro's arm and teleported to her dorm. Walang patumpik tumpik pang tumakbo ang mga kaibigan niya sa dorm building. Nag alala sila sa kalagayan ni Meir pero hindi nila alam kung saan ang dorm building kaya napatigil sila at nagtanong. Sakto namang si Clara ang kanilang napagtanungan.
“Alam nyo po ba kung saan ang dorm building?” Natatatarantang tanong ni Pamela.
“Ayon ang dorm building namin.”
“Salamat ha!”
At sila'y tumakbo papunta doon. Nagsalubong ang kilay ni Clara at sinundan sila gamit ang kanyang mata. Sa kwarto ni Meir ay dahan dahan na pinahiga ni Yuro si Meir. Kunot ang noo nito at halatang naiinitan. “Y-Yuro, ang...init.” Bulong nito, Kevin look at Yuro's arms, they were burnt but it was not that worse. Tumabi silang dalawa kay Meir.
“I-It's going to be okay Reina. Hang on there.” Yuro said worriedly. As much as he wanted to hold her hand tightly to comfort her but he can't do anything because his hand will burn or worse, it'll melt. Kevin gulped. Naisip niya ang kalagayan ni Meir, she was definitely not okay. Kung ganito ang kalagayan niya, pano nalang si Maximo na siyang pinapahirapan ni Aramintha.
Kinuyom niya ang kanyang kamao. Nakarinig sila ng marahas na pagbukas ng pinto. The two saw Meir's friends and quickly ran towards them. Napasinghap sila sa itsura ni Meir, pulang pula ang pisnge at napakabilis ng kanyang hininga. “Y-Yuro, anong nangyayari sa kanya?!” Bulalas ni Bam. Napamulat ng kunti si Meir and shock were written in their faces when Meir's eyes flickered to orange.
“N-No way..” Pamela covered her mouth as she witnessed their friend eyes changed color.
“T-That eye color, there's no way!!” Sigaw ni Jade. Napapikit si Kevin at Yuro, this was the reaction that they'd pictured it to be.
“Yuro, sabihin mo samin ang totoo. I-Isa bang--”
Pinutol ni Kevin si Carlos. “Oo, isa nga siya sa kanila.”
Hindi makapaniwala ang lima sa kanilang nalaman. “Wag kayong magalit kay Reina, samin kayo magalit dahil hindi namin sinabi sa inyo.” Yuro said.
“Pero bakit hindi nyo sinabi?!” Sigaw ni Grace.
“Sa tingin mo ganon yun kadaling sabihin? Mahirap ngang ipaliwanag sa lahat na may digmaang mangyayari, paano nalang kaya ang pagkatao ni Reina? Wala siyang kasalanan kaya sakin nyo ilabas ang galit nyo.” Yuro said firmly. Sa totoo lang ay hindi naman sila galit sa kanya, masyado lang silang nagulat sa katotohanan.
“Kailan nyo lang nalaman?” Malumay na tanong ni Jade.
“Simula palang. Mahirap ipaliwanag ang lahat pero kapag matapos na ang digmaan, saka nalang namin ipaliwanag sa inyo.” Nag alinlangan silang tumango kay Kevin at bumaling kay Meir na nakakunot pa rin ang noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/223318585-288-k439233.jpg)
YOU ARE READING
The Hybrid
Fantasy"Reap me with your finest bloodlust and vengeance." {COMPLETED STORY} Start: May 1, 2020 End: Sep 7, 2020 Credits to the picture owner..