Chapter 11

140 6 0
                                    

Armira's POV

Naka apat na hakbang na ako nang may humila sa aking baywang.

“Found you..”

Oh shit don't tell me I'm caught?! Nasiguro ko naman na walang tao diba?! Why didn't I felt his presence?!

“Rest for now, we'll talk about this tomorrow.” Nanindig ang mga balahibo ko habang ramdam ko ang hininga niya sa aking tenga. Bumitaw siya at paglingon ko ay wala na siya. I swear pamilyar sakin ang boses na yun. Napasapo ako sa aking noo at pumasok sa dorm, pagpasok ko ay nakita ko si Clara na malapad ang ngiti. “Meir! You won't believe who found me!” She cheered habang ako ay lutang pa rin, ayokong maging alipin ng kahit kanino o makipaglaban!

“Sino?” I ask nonchalantly.

“Stephen Kyle! A Pureblood Meir!”

Umawang ang bibig ko, bakit masaya siya? Di ba siya mag aalala sa kanyang sarili dahil isang malakas na nilalang ang nakakita sa kanya? Baka ano pang mangyari sa kanya. “Ah ganon ba?” Bagot kong tugon sa kanya, taka niya akong tinutukan at pinagkrus ang kanyang braso.

“Hindi ka masaya?”

“Wala lang ako sa mood. Tulog na ako.”

“Eh hindi pa tayo kumakain Meir.”

“Bawi ako sa umaga. Goodnight.”

Pumasok ako sa kwarto at nagbihis bago humiga sa kama. Sa loob ng isang linggo, ang huling sinabi ng propesor namin sa asignaturang kasaysayan ay talagang bumabagabag sa isipan ko hindi ko lang pinahalata dahil wala akong maisasagot sa mga katanungan ko.

Nabubuhay ang isang Hybrid dahil isang bawal na pagmamahal.”

Pero lobo ang mga magulang ko, paanong naging Hybrid ako nang kinagat ako ni Maximo? Kapag pinagsama ang isang Pureblood at Alpha, ganon kalakas ang isang Hybrid, crazy right? Sinabunutan ko ang aking sarili at napaupo. Kapag bumilog ulit yung buwan, kailangan kong makausap si Yuro. I trust him on this, he won't consider me as a monster because I'm his niece. Pinikit ko ang aking mata at hinayaan na kainin ako ng kadiliman.

“Mavise, kapit ka lang mahal ko!” Lumingon ako at nakita ang dalawang lalake, ang isa ay karga karga ang babaeng buntis tapos yung isa ay nasa tabi ng matandang lalake, anak ata nila. “Charles hindi ko na kaya! Manganganak na ako!!” Sigaw ng babae, sinundan ko silang tatlo na tumakbo sa hilaga. Huminto sila sa isang bahay at pumasok doon kaya sa bintana na ako sumilip.

Pinahiga ng matandang babae na si Mavise sa kama at tinakpan ang kanyang binti ng kumot. Todo mura ang lalake habang ang batang lalake ay umiiyak, baka nag aalala siya sa Ina niya. Wala sa sarili akong ngumiti, ang mga ganitong senaryo ay nakakakaba ngunit hindi mo maitatago ang sayang nararamdaman mo. Bawat sigaw ng babae ay naninikip ang dibdib ko, parang ramdam ko ang lahat ng sakit niya.

Binaling ko ang atensyon ko sa batang lalake, pamilyar ang mukha niya ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Ilang oras ang nakalipas at nanlaki ang mata ko nang makarinig ng iyak ng isang sanggol. Lumapit ang mag ama sa babae, tumulo ang luha ng lalake at binigay sa matandang babae na parang Ina ng babae na nanganak ang sanggol nila.

“B-Babae siya Charles.” Utal ni Mavise ng babae. Tumakbo ang batang lalake sa kanyang Ina at niyakap siya ng mahigpit. “Ang aking prinsesa.” Tumulo ang luha ng batang lalake habang tinitigan ang kapatid niyang sanggol na unti unting kumalma. “Papa patingin ako ng kapatid ko!” Lumuhod si Charles para makita ng batang lalake ang kanyang kapatid. Ngumiti ang lalake at hinalikan ang sanggol sa kanyang noo.

What a happy family. “Anong ipapangalan ninyo sa bata Mavise?” Tanong ng matandang babae. Ito ang pinakaexciting na part sa panganganak, ang mabigyan ang kanilang sanggol ng magandang pangalan. Gumalaw ang bibig ni Mavise pero hindi ko siya narinig, tumango ang matanda at iniwan ang pamilya doon.

The HybridWhere stories live. Discover now