Chapter 24

152 7 0
                                    

Third Person's POV

Matapos ang nangyaring aktibidad noong nakaraang araw ay napag isipan ni Ynor na magkaroon ng break. Kasalukuyang nakaupo si Meir sa kanyang kama habang tinutupi ang kanyang mga damit na kakatuyo lang matapos niyang labhan. Sandali siyang natigil at kinuha ang invitation letter galing sa palasyo na binigay sa kanila ni Ynor.

“Bukas na ang selebrasyon pero wala akong masusuot.” Malungkot na bulong ni Meir sa kanyang sarili. Dahil engrande ang selebrasyon, inaasahan niyang puro magagarang damit ang susuotin ng mga dadalo at siya na hamak na dukha lamang, wala siyang kahit anong masuot.

“Kung hindi nalang kaya ako dadalo?” Hindi naman sa ayaw niyang dumalo, ayaw niya lang napahiya ang Prinsipe sa harap ng mga bisita nito kapag nalaman nilang isa siyang duka, malamang pagsabihan siya na ang kapal ng mukha niya. Binaba niya ang invitation letter at tumayo pero ilagay sa walk in closet niya ang kanyang mga damit.

Pagkatapos niyang ilagay doon ay nakarinig siya ng malakas na pagsara ng pinto kaya napatakbo si Meir papuntang salas. Paglabas niya sa kwarto ay nadatnan niya si Clara na parang ilang segundo ay nawawalan na ng balanse kaya agad siyang lumapit sa kanya at inalayan siyang tumayo.

“Clara, anong nangyari sayo?!” Alalang tanong nito sa kanya.

“I feel sore.”

“Sore? Bakit?”

“I-It's just..” Inangat ni Clara ang kanyang ulo para titigan si Meir. Nahalata naman niya na parang wala itong alam at sobrang inosente ng kanyang pag iisip kaya tumikhim nalang siya. “Nevermind. Pwede mo ba ako ihatid sa kwarto ko? I want to rest.” Ibubuka pa sana ni Meir ang kanyang bibig para magtanong pero tumango nalang siya at hinatid sa kanyang kwarto.

Pagdating nila sa kwarto ni Clara ay dahan dahan na nilapag ni Meir ang kanyang kaibigan. Nakapikit ang mata nito kaya naisip niya na baka kailangan ng kaibigan niya ng tulog. Hinigit ni Meir ang kanyang kumot patungo sa kanyang leeg tsaka iniwan siya doon. Dahil sabado ngayon ay walang ibang magagawa si Meir kundi tumambay lang sa kanilang dorm.

Akmang ipipihit ni Meir ang pinto ng kanyang kwarto para magbihis nang may biglang kumatok sa pinto sa labas. Takang lumakad si Meir at nang binuksan niya ito ay nanlaki bahagya ang kanyang mata nang makita ang dalawang magkakapatid na may malaking ngiti sa kanilang mukha.

“Yna, Darwin, anong ginagawa ninyo dito?” Tanong niya sa dalawang bata.

“Lalabas po tayo Ate!” Masayang untag ni Yna na kinataka ni Meir.

“Lalabas? Saan naman?”

“Sa centro Ate, kukunin natin ang susuotin ninyo ng mga kaibigan mo tsaka pupunta tayo sa palasyo. Kuya wants to see you.” Sabi ni Darwin.

“Teka sandali, susuotin? Wag nyo sabihing--”

“Kuya already bought your gowns Ate.” Dugtong ni Yna sa kanya. Nanlaki ang mata ni Meir habang napatitig sa dalawa. Bahagya siyang natuwa dahil may susuotin siya at makakapunta siya pero may parte sa kanya na nakaramdam ng lungkot dahil gumastos na naman si Kevin para sa kanya, hindi lang sa kanya kundi sa dalawa pa niyang kaibigan.

“So, tara na ate! Naghihintay na po ang sasakyan sa labas.” Hinila ni Darwin si Meir palabas dahilan para magulat ito.

“T-Teka sandali! Kailangan kong puntahan si Kyle.”

“Sige po, sasamahan ka namin.”

Umakyat silang tatlo sa ikaanim na palapag at mabilis na kumatok sa dorm nila. Ilang segundo ay bumukas ang pinto at niluwa si Will na nakaputing sando at itim na shorts. Bakas din sa mukha niya ang pagkagulat nang makita si Meir kasama ang dalawang Prinsepe at Prinsesa.

The HybridWhere stories live. Discover now