Chapter 28

108 8 0
                                    

Armira's POV

Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa sobrang ingay ng mga kaklase ko. Di ba sila marunong manahimik? Napalingon ako sa gilid at nakita si Clara na nakikipag usap kay Kyle, more like flirting with him. Binaling ko ang tingin ko kay Cayden na nasa tabi ko. Nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang kamay at nakapikit. Tulog ba siya?

Nag iwas nalang ako ng tingin at bumuntong hininga. Tuesday na ngayon and tomorrow is the next full moon. Shit, he will be the one to provide me blood but how am I suppose to bite him? I can't just knock him out, mabilis ang reflexes niya.

“Goldie.” Tawag niya sakin kaya napalingon muli ako sa kanya.

“What?”

“Stop staring.” He smirked as I raised a brow.

“That was like a second ago Reid.” Sagot ko sa kanya. Nasaan na ba ang propesor namin at ang tagal niyang pumasok. Kanina pa kami nag aantay dito. Tatayo na sana ako nang may biglang pumasok na estudyante sa loob, hindi ko siya kilala pero masasabi kong isa siyang lobo. “May meeting ang mga propesor ngayon kaya malaya kayong lumabas muna.” Sabi ng babae at yumuko bago lumabas.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko tsaka nag unahang lumabas at natira kaming lima dito sa loob.

“Ang weird, the professors would normally annouce na may meeting sila bago umalis.” Sabi ni Will na papalakad sa unahan kong upuan at umupo.

“Maybe unexpected Will.” Sabi ni Kyle.

“It must be very important.”

“Punta kaya tayo sa centro? Bored ako eh.” Suhestiyon ni Clara dahilan para mapatingin kami sa kanya.

“What?”

“Bawal lumabas Clara. They'll punish us” Cayden said.

“Hindi nila tayo paparusahan kung walang makakita satin. What's the use of our teleportation?” She smirked. You know, gusto ko yung idea niya eh kasi gusto kong puntahan sina Yuro at kamustahin.

“Tara.” Sabi ko at tumayo kaya napabaling naman sila sa akin as if nagulat.

“Seriously?” Cayden ask, halatang nagtataka pero parang may halong inis. Ayaw niya bang lumabas? Ang ganda kaya sa centro at miss ko na ang simoy ng hangin doon.

“Oo. Kung ayaw nyo, tara na Clara.”

“Teka lang, wala kaming sinabi na hindi kami sasama. We'll go.” Ayan pumayag din si Will at Kyle kaya no choice si Cayden, alangan naman magpapaiwan siya dito eh di mamimiss niya pagmumukha ko charr, joke lang.

Tumayo kaming lima at naghawak kamay. Pinikit namim ang aming mga mata at iniisip na nasa centro kami. Ilang segundo ay nakaramdam ako ng kunting hilo kaya nang mawala ito ay napamulat ako. Nandito na kami sa mismong lugar kung saan binugbog ng kawal ang matandang lalake noon.

~~~~~

Third Person's POV

Napangiti si Meir, sa wakas nakabalik na din siya. “I miss this place.” Bulong niya. Iginala ng apat ang kanilang mata sa buong lugar, madaming tao na nagtitinda, naglalako, nagkakantahan, for short maingay ang centro pero that was not a problem. In fact, they love the noise and a lot of people were staring at them in awe.

Of course they're wearing their uniform kaya sila namangha dahil ang limang estudyante na nakatayo malapit sa tindahan ng mga damit ay mga estudyante ng Daminus Academia. “San tayo magsisimula?” Palakpak ni Clara tsaka muling inilibot ang mata sa paligid.

The HybridWhere stories live. Discover now