Chapter 21

136 7 0
                                    

Armira's POV

Inuntog ko sa mesa ang aking ulo sa pangpitong pagkakataon. Naiinis ako dahil panay pangungulit sakin ni Cayden kanina at siya naman ay parang natutuwa. Demonyo talaga, nakikinig yung tao binato pa ako ng papel..

“For the third time Meir, stop banging your head on the table!” Suway niya sakin.

“He's annoying Clara.” I said frustratingly.

“Pero gwapo naman.” Clara interjected.

“Can I kill him?” May halong banta sa boses ko na halos mabulunan siya sa kanyang kinain.

“If you like the smell of jail edi sige, di kita pipigilan.” Sarkastiko niyang sagot sakin na kinanguso ko. Takte, hindi ko man lang maenjoy ang sariwang paa ng baboy dahil sa inis. Sino bang hindi maiinis kung panay bato siya sakin ng gusot na papel na may sulat na..

If I'm a dog, you're my tail, so stay by my side today..

Sinamaan ko pa siya ng tingin non pero binato niya ako ulit. Inis kong binuksan yun at ngumiwi.

Or you could just ditch me and I'll punish you more Goldie..

One word.

Tangina.

Napasapo ako sa aking noo kaya binaba ni Clara ang kanyang tinidor at huminga ng malalim. “Alam mo Meir, ako ang nassestress sayo. Kumain ka muna kasi.” She said as she pushes the fresh pig feet at me so without no choice, nag anyong lobo ako at kinain ang aking pagkain.

By the way nasa cafeteria kami ni Clara and let me just say, natutuwa na ako na nasanay na ang mga kapwa kong lobo sakin. Na para bang hindi na sila natetense sa tuwing nag iiba ako ang anyo. While eating, the cafeteria doors opened and everyone look at the three Purebloods na kakapasok lang kasama ang mga alipin ni Kyle at Will. Hindi ko nalang sila pinansin pero napatigil ako nang sinipa ako ni Clara sa tagiliran.

Napahiyaw ako sa sakit dahilan para makuha ko ang atensyon ng iba.

“S-Sorry Meir, it's just that---”

I was about to growl at her nang may naramdaman akong tao sa harap ko, I stared at black shoes and slowly look up, only to see a pair of ocean eyes and a wide smirk. Kung suntukin ko kaya mukha niya para mawala ang ngisi niya tsk.

“Hi Armira!” Bati nina Will at Kyle pero ang tingin ko ay nanatili kay Cayden.

“Caide, kung nakakamatay ang tingin, matagal ka nang nakahandusay sa sahig.” Pambibiro ni Kyle.

“Armira, gutom ka paba? Baka pati si Caide kainin mo.” Takang sabi ni Will na kinasingap ni Clara sa tabi ko.

“Oh my god, ang dumi ng utak ko. How to unhear?” Bulong ni Clara na narinig naman nila kaya humalakhak sila. May malinis at madumi ba na utak? Paanong may dumi? “Come on, we're going somewhere my slave.” Diniin niya pa ang my slave. Oh how I hate that word. Nag anyong tao ako at nilipad ang aking kamao sa kanya pero mabilis naman niyang nasalo.

“What's going on?!”

“Mag away ba sila?”

“Hays, sana ol nahawakan ni Cayden.”

Lumapit siya sakin at bumulong.

“Gusto mo bang maulit yung nangyari sa dorm?” He smirked as I felt my cheeks burn in embarrassment. Shoot! Maraming nakatingin samin ngayon, oh god! They're going to misunderstood what he said! Mabilis ko siyang tinulak at hinablot ang aking kamao.

“Anong nangyari sa dorm?” Takang tanong ni Kyle.

“Oo nga, saang dorm ba? Sa dorm ba natin Caide?” Dagdag na tanong ni Will.

The HybridWhere stories live. Discover now