Chapter 9

141 7 0
                                    

Armira's POV

I stand corrected. Talagang malakas siya at ang astig ng ability niya. He made the vampire hurt himself pero naawa ako sa kapwa kong lobo.

Poor wolves.

Binaling ko ang atensyon ko kay Cayden. He's annoyingly staring at me. Anong problema niya at ganyan siya makatingin sakin? Bumalik si Cayden sa kanyang pwesto kanina at sumunod yung iba, hindi nila nakuha ang interes ko hanggang sa tinawag ni Brenda si Clara. Kabado siyang tumayo at binigyan ko siya ng matamis na ngiti para hindi siya kabahan.

Pumasok siya sa cube. Ramdam ko ang kaba niya habang nilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. Kunsabay ang dilim ng paligid at ilang minuto na siyang nakatayo doon kaya mas lalong dumagdag iyon sa kanyang kaba pero kahit ganon, she kept her guard up.

Nang maramdaman na niya ang kalaban ay walang awa niya itong pinatumba. Isa siyang elite kaya hindi ko na kailangan pang mag aalala, malakas siya at kaya niya ang kanyang sarili. Aaminin ko habang pinapanuod ko siya ay namangha ako, maikukumpara ko siya kay Grace. She fights gracefully, she's fast as expected from a vampire, she's sharp on her moves particularly on her kicks and lastly her punches are full of power.

For the second time naawa ako sa mga lobo. Ginamit niya kasi ang kanyang abilidad para palutangin ang mga lobo at pinaglaruan bago niya pinatalsik sa puno. Somehow kinabahan ako dahil nakita ko siyang nakangisi pero agad din yun nawala dahil tumalon talon siya sa tuwa. Natapos niya ang laro kaya lumabas siya at agad akong niyakap.

Pumalakpak ang mga kaklase ko pati si Brenda. “I have your results but I'll announce it bukas. For now..” Lumingon siya sa pinto at saktong tumunog ang kampana. “Break time. Pwede ba kayong lumabas.” Yumuko kami bago lumabas. Nilingkis ni Clara ang kanyang braso sa aking braso, ang wagas niyang ngumiti.

“Woah nagawa ko! Sana naman nakuha ko ang interes ng tatlong purebloods.” She hummed. Kahit ba naman nasa klase at sila parin iniisip niya? This girl is unbelievable. “I can't believe you, you're a show off.” I said bluntly but she just stuck her tongue out. “Nandoon sila eh, nilubos lubos ko na.” She even winked at me.

At dahil hindi kami kakain sa cafeteria ay doon na kami kumain sa harden. Mas tahimik at walang tao, perfect place to eat right? Nang makarating kami doon sa harden ay umupo kami sa damuhan. Tahimik lang kaming kumakain. Pagkatapos namin ay agad kaming umalis para hanapin ang history class. Excited ako dahil may matutunan akong leksyon tungkol sa mga pangyayari noon dito sa Daminus.

Pagdating namin ay napaawang ang labi ko. “Nasa sinehan ba tayo?” Bulong ko kay Clara, bumungisngis siya tsaka umiling. “Hindi Meir, nandito lang naman tayo sa history class.” Sagot niya at naunang lumakad papasok, ganito kasi yun. Yung upuan namin parang pang auditorium tapos may white board pang singlaki ng pintuan namin.

Pagpasok ko ay ngumiwi ako sa lakas ng boses nila, may nagbabatuhan ng papel, may nag uusap at of course may naglalandian. Palihim akong umirap at iginala ang aking mata para maghanap ng mauupuan pero minalas nga naman dahil may isang bakante pero sa baba ko naman ay sina Cayden at Ehrlish na naglalandian. Ngumiwi ulit ako. Wala na bang space? Last na talaga yun? As in?

Damn, I have no choice. Bumuntong hininga ako at umakyat para umupo. Di bale nalang, katabi ko naman si Clara eh. Pag upo ko ay siyang pagtingin sakin ni Ehrlish. Anong problema niya at ganyan siya makatingin? Mag iiwas na sana ako ng tingin pero bigla nalang hinalikan ni Ehrlish si Cayden na siya namang nagustuhan niya, I think? Ang kapal talaga ng mga mukha nila, hindi ba sila nahihiya sa mga matang nakapaligid samin?

Not only that, she smirk at me while kissing Cayden, as if telling me that his lips will never be mine. Kailan ba ako nagnasa sa labi ng lalake niya? Umirap ako tsaka bumaling kay Clara. “Kung maghahalikan, sana sa labas nalang. Di man lang nahiya.” Sabi ko sa kanya, sinadya ko ring lakasin ang boses ko para marinig niya. Clara widened her eyes while I look at her emotionlessly. In the corner of my eye, Ehrlish stopped their intimate session.

The HybridWhere stories live. Discover now